^

PSN Opinyon

Ang pagtukso kay Jesus

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
Si Jesus ay naging tao upang iligtas tayo. Subalit tayo ay naliligtas hanggang doon lamang sa antas na nakikibahagi siya sa ating ganap na pagkatao. Tayo ay sumasailalim pa rin sa mga tukso. At dapat ding maranasan ni Jesus ang matukso. Subalit may kaibahan. Ang mga tukso natin ay nagmumula sa ating mga panloob na tunggalian o mula sa masamang espiritu o mula sa mundo. Pero kay Jesus, ang tukso’y hindi maaaring magmula sa kanyang panloob na tunggalian. Siya’y tinukso ng mismong diyablo o demonyo.

Ibinigay sa atin ni Mateo ang tatlong tukso ni Jesus (Mt. 4:1-11).

"Pagkatapos, si Jesus ay dinala ng Espiritu sa ilang upang tuksuhin ng diyablo. Doon, apatnapung gabing nag-ayuno si Jesus, at siya’y nagutom. Dumating ang manunukso at sinabi sa kanya, ‘Kung ikaw ang Anak ng Diyos, gawin mong tinapay ang mga batong ito.’ Ngunit sumagot si Jesus, ‘Nasusulat, ‘‘Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao, kundi sa bawat salitang namumutawi sa bibig ng Diyos.’’

‘‘Pagkatapos nito’y dinala siya ng diyablo sa taluktok ng templo sa Banal na Lunsod. ‘Kung ikaw ang anak ng Diyos,’ sabi sa kanya, ‘magpatihulog ka, sapagkat nasusulat, ‘‘Ipagbibilin niya sa kanyang mga anghel na ingatan ka,’’ at ‘‘Aalalayan ka nila upang hindi ka matisod sa bato.’’ Sumagot si Jesus, ‘Nasusulat din naman, ‘‘Huwag mong subukin ang Panginoon mong Diyos.’’

‘‘Pagkatapos, dinala siya ng diyablo sa isang napakataas na bundok. Mula roo’y ipinatanaw sa kanya ang lahat ng kaharian ng sanlibutan at ang kayamanan ng mga tao. At sinabi ng diyablo, ‘Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng mga ito, kung magpapatirapa ka at sasamba sa akin.’ Sumagot si Jesus, ‘Lumayas ka, Satanas! Sapagkat nasusulat, "Ang iyong Diyos at Panginoon ang sasambahin mo; Siya lamang ang iyong paglilingkuran.’’


Mapapansin natin na nilabanan ni Jesus ang unang tukso sa pamamagitan nang pagsandig sa Diyos. Ang ikalawang tukso, sa pamamagitan nang hindi pagpuwersa sa Diyos na tulungan siya. At ang ikatlo, ang pagsamba ay ibinibigay tanging sa Diyos lamang – hindi kay Satanas o ni sa sinumang nilikha. Gaya kay Jesus, ganoon din para sa atin. Kapag tayo’y natutukso, dapat tayong palaging umasa at sumandig sa Diyos. Kasabay noon, dapat nating gamitin ang lahat ng mga paraang ibinigay sa atin ng Diyos: Iwasan ang mga lugar at mga tao na nagiging daan upang tayo’y matukso at magkasala. Kailangang dalasan natin ang pagtanggap ng mga sakramento. Dapat din tayong manalangin palagi. Ikatlo, ang kombinasyon ng pananalig sa Diyos at sa tao.

DIYOS

JESUS

NASUSULAT

PAGKATAPOS

PANGINOON

SI JESUS

SIYA

SUBALIT

SUMAGOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with