^

PSN Opinyon

Pag-ingatan ang taynga sa infection

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
Ang mga taynga ay sensitibong organs ng katawan kaya nararapat lamang na ingatan. Ang mga ito ay madaling mapinsala kapag naimpeksiyon. Hindi dapat winawalambahala ang anumang karamdaman na may kaugnayan sa mga taynga. Kapag nakaramdam ng pagkahilo o pagkabingi, madalian itong ikunsulta sa doktor upang malunasan. Hindi na dapat mag-urung-sulong kung ang mga taynga ang nasasangkot.

Maraming dahilan kung bakit nagkakaroon ng problema sa taynga. Ito ay ang mga sumusunod:

Infection – kapag infected ang mga taynga magkakaroon ng cattarh o pamamaga ng mocous membrane.

Glue ear – ito ay ang build-up ng sticky mucus sa eardrum at karaniwang mga bata ang nagkakaroon nito. Sa isang pag-aaral, sinasabing ang mga batang pinasususo (breastfeed) ng kanilang mga ina ay hindi nagkakaroon ng ganitong disorder kumpara sa mga sanggol na bina-bottle-fed. Kapag pinadede sa suso ang bata, nakatutulong ito para ma-exercise ang muscle para ma-open ang eustachian tube na nagkokonekta sa middle ear sa likod ng lalamunan at idini-drain ang anumang fluid. Sa bottle fed, ang nipple ay hindi naaabot na mabuti kaya hindi nae-exercised.

Deafness o pagkabingi – ito ay may dalawang uri: una, ang tinatawag na conductive deafness na hinaharang ang pagta-transmit ng sounds sa inner ear. Ito ay maaaring gamutin; ikalawa, nerve deafness na nangyayari kapag na-damaged ang auditory nerve. Isa sa dahilan ng nerve deafness ay dahil sa excessive intake ng saturated fats na dahilan para magka-atherosclorosis kung saan ang tiny blood vessels ay nagkakaroon ng blockage.

Pinaniniwalaan na malaki ang kaugnayan ng diet sa functioning ng mga taynga. Inirerekomenda ang pagkain ng mga mayayaman sa vitamin A at thiamin.

DEAFNESS

INIREREKOMENDA

ISA

KAPAG

MARAMING

PINANINIWALAAN

TAYNGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with