^

PSN Opinyon

Gen. Aglipay me problema yata sa EPD, pakisilip

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
Maraming opisyal ng pulisya sa Eastern Police District (EPD) ang palaging nagkakamot ng ulo o dili-kaya’y nakasimangot nitong nagdaang mga araw maliban lang sa kanilang hepe na si Senior Supt. Rolando Sacramento at ilang bataan n’ya.

At ang kalimitang nagkakamot ay itong si Supt. Floromo Bolaton, hepe ng logistics at comptroller ng EPD at ang mahigit 250 pulis na galing pa sa Region 1 na ibinaba sa Metro Manila bilang augmentation forces bunga sa paggunita ng EDSA revolt anniversaries. Hindi kuto ang problema nila mga kaibigan kundi ang ‘‘ONE WAY’’ policy na pinaiiral ng isang opisyal ng EPD, na batang sagrado ni House Speaker Joe de Venecia.

At hindi rin trapiko ang pinag-uusapan natin dito mga suki kundi ang mga pumapasok na pondo sa kaban ng EPD. ’Ika nga, mukhang madalas ang sunog sa sakop ni Sacramento. Get n’yo mga suki? Ayon sa finance officers sa ibang distrito ng pulisya na nakausap ko, maaring sa pagreretiro ni Bolaton sa susunod na taon ay baon na siya sa utang. Kasi nga, pati perang iniwan ni Chief Supt. George Aliño, ang bagong hepe ng Cordillera Autonomous Region (CAR), bilang pambayad sa pagkain ng mga pulis na naka-assign sa rally ay may kumuha. At si Bolaton lang ang nakaalam kung sino itong ganid na opisyal ng EPD. May blessings kaya ni Sacramento ang ginagawa ng opisyal na ito?

At kung tatanungin n’yo ang mga pulis-Mandaluyong, itong opisyal na tinutukoy ko ay mukhang malapit na kamag-anak ng hepe nilang si Supt. Sukarno Ikbala na hindi rin mahilig mag-spread ng sunshine. Ito kaya ang dahilan kung bakit ayaw kumilos ng pulisya ukol sa sunud-sunod ang krimen sa Mandaluyong City, lalo na ang pagkawala ng kotse ni Sen. John Osmeña? He-he-he! Ano ba ’yan?

Kung gaano kaganda ang mga programa ni NCRPO Director Edgar Aglipay para maitaguyod ang peace and order ng Metro Manila mukhang taliwas naman ang ginagawa ng opisyal ng EPD. Kausapin mo ang mga pulis-Region 1, na kung minsan ay nilalagnat na sa gutom at ang may-ari ng canteen sa EPD, Gen. Aglipay at matutukoy mo ang binabanggit kong opisyal. Bakit kaya hindi pa kuntento ang opisyal na ito sa parating sa opisina niya mula sa mga financiers ng jueteng at iba pang klaseng sugal sa EPD?

Ang balita ko pa, direkta ang intelihensiya ni Sir. Paimbestigahan mo rin ito General Aglipay. Kung sabagay noong na-assign pa lang sa probinsiya ang opisyal na ito ay na-petition na ito para alisin sa puwesto dahil din sa pondo. Itanong n’yo mga suki ke Supt. Leo Kison, ang dating hepe ng Marikina, at alam n’yo ito. Ang petition ay maaari ring dahilan kung bakit na-relieve nang biglaan si Kison, anang mga nakausap ko.

Kahit ganyan ang pag-uugali ng opisyal na ito eh kung pursigido naman siya sa trabaho ay maaring matabunan ang pagkukulang niya. Subalit sa pagkaalam ko sa ngayon, halos ayaw ng matrabaho ang kanyang mga tauhan dahil sa kawalan ng pondo. At ito ang dapat alamin ni General Aglipay bago maging huli ang lahat. Abangan.

BOLATON

CHIEF SUPT

CORDILLERA AUTONOMOUS REGION

EPD

GENERAL AGLIPAY

KUNG

METRO MANILA

OPISYAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with