Ang sipon at trangkaso ay pinalulubha rin naman ng stress, exhaustion, chronic sickness o depression. Ang mga taong may sipon ay madali rin namang magkaroon ng iba pang bacterial infections na katulad ng bronchitis, earache at sinusitis. Kumunsulta sa doktor kapag nakaranas ng mga sumusunod: Nahihirapan sa pag-ubo at paghinga, problema ang paglulon ng pagkain, kapag ang dalawang taynga ay masakit, kapag may nakitang dugo sa plema at kapag mataas ang temperature ng katawan na tumatagal ng 48 oras.
Ang pagkain nang maraming citrus fruits at pagkaing mayaman sa zinc ang isa sa mga pinakamabuting paraan para malabanan ang pagkakaroon ng sipon at trangkaso. Pinatitibay kasi ng mga pagkaing ito ang immune system. Bukod sa mga prutas, napakainam ding kumain ng sariwang gulay. Ang chicken soup ay mahusay din sa mga taong may sipon sapagkat ito ay mayaman sa protein, calories at minerals.