^

PSN Opinyon

Tunay na diwa ng EDSA 2 ipinakita ni GMA

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
Ipagdiwang ang EDSA 2 noong Linggo na dinaluhan ni President Gloria Macapagal-Arroyo. Pagkatapos idaos ang misang pasasalamat sa Diyos, ibinuhos ni President Arroyo ang pag-alala ng EDSA 2 sa pakikisalamuha sa mga maralitang kababayan. Noong nakaraang linggo, dinalaw namin ang mga kababayang nananawagan ng atensiyon sa pamahalaan sa pamamagitan ng proklamasyon na nagbibigay sa kanila ng karapatan sa lupang tinitirhan. Ang presensiya ng ating Presidente rito ay naglalahad lamang ng kanyang sinseridad sa pagsulong ng programang palupa at pabahay para sa mahihirap.

Ito ang tunay na diwa ng EDSA 2. Ang pagsasakatuparan ng mga makabuluhang programa sa edukasyon, palupa at pabahay, paglaban sa corruption at pagpapaunlad sa ekonomiya.

Ipinakita ng Presidente ang tunay na diwa ng EDSA 2. Ito’y ang pakikipag-ugnayan sa mga mahihirap at pagdinig ng kanilang karaingan. Ito ang pagbibigay ng lupa sa mga matagal nang nagnanais magkaroon ng kaseguruhan kung saan nakatirik ang simpleng bahay na ginawa lamang sa pinagtagpi-tagping yero at kahoy. Ito ang panawagan ng rekonsilyasyon sa mga bumabatikos sa administrasyon at pagdinig sa kanilang mga reklamo.

Sa mga kababayan, ito ang panahon ng ating pagmumuni at pagsisiyasat sa sarili. Pagkatapos ng EDSA 2, kabahagi po ba tayo na tumulong sa pagbabagong ninanais sa ating pamahalaan at bansa?

Ang sagot sa pag-unlad ay hindi lamang po nakaasa sa balikat ng pamahalaan. Anuman ang paniniwala, sagot din natin sa susunod na henerasyon ang kinabukasan ng ating bansa.

ANUMAN

DIYOS

IPAGDIWANG

IPINAKITA

LINGGO

PAGKATAPOS

PRESIDENT ARROYO

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with