^

PSN Opinyon

LTO: 2log

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
Hindi basta tao ang ipinalit ni Prez Gloria kay dating LTO bossing Edgardo Abenina. Ang dalawang inilagay niya rito ay kapita-pitagan at respetado hindi lamang ng mamamayan kundi ng mga lespu.

Si dating PNP bossing Bobby Lastimoso at Gen. Romy Maganto ang mga bagong bossing ng Land Transportation Office.

Pero ilang linggo na parang walang aksyon ang dalawang magiting na heneral sa mga sasakyang walang plaka at maging sa mga pribadong sasakyang gumagamit ng sirena at blinkers. Naghihintay pa ba silang may madisgrasya bago umaksiyon?

O matibay sa LTO ang mga may-ari nang walang plakang sasakyan? Sana huwag kayong pakaang-kaang mga bossing?

Bayan ang unahin ninyo bago pera, este mali, joke lang!

Sa palagay ng mga kuwago ng ORA MISMO may lihim na milagro diyan sa LTO. May malaking pera diyan porke maraming opisyal ang nagsiyaman?

Totoo kaya ito, DOTC Secretary Bebot Alvarez, Sir. Mag-resign ka na tingnan mo si Rufus Rodriguez may delicadesa!

Kamakalawa, sa may Kamuning, may rumaragasang Honda CRV na may plakang WSJ-140, kumpleto sa borloloy, may blinker at sirena, talo pa ang mga police cars kung humarurot.

Noong panahon ni dating PNP bossing Ping Lacson walang abusadong drayber sa takot na makalaboso. Ang mga mayayabang na car owners ang nagtatanggal ng kanilang mga wang-wang kasi takot silang masita ng task force ‘pahiya’ ni Ping.

‘‘Sirs, huwag kayong pikon, ginigising lang kayo, kasi parang abala kayo sa mga kontrata diyan,’’ sabi ng kuwagong pulis na naglalanggas ng galis.

‘‘Paano mo naman nalamang busy sina Sirs?’’ tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Parang walang aksyon ang LTO, usad pagong,’’ sagot ng kuwagong Kotong Cop.

‘‘Bakit naman?’’

‘‘Daming buses na walang plaka sa EDSA.’’

‘‘Baka kay Romy ’yan?’’

‘‘Naku ha nang-iintriga ka?’’

‘‘Bakit ba gusto ng LTO na alisan ng hanapbuhay ang mga jeepney drivers in favor sa mga bus drivers?’’

‘‘Naku ha! Malalim iyan."

‘‘Si Bebot ang makakasagot niyan hanggang hindi pa siya sinisibak sa DOTC?"

‘‘Bakit tatanggalin ba?’’

‘‘Siguro dapat siyang mag-resign!’’

vuukle comment

BAKIT

BOBBY LASTIMOSO

EDGARDO ABENINA

KOTONG COP

LAND TRANSPORTATION OFFICE

NAKU

PING LACSON

PREZ GLORIA

ROMY MAGANTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with