Editoryal - Blackout na naman
January 22, 2002 | 12:00am
Ang blackout na nangyari kahapon ang ikatlo sa malalaking blackout na nangyari sa loob ng tatlong taon. Mula pa noong 1999 nagkaroon ng mga ganitong problema at tila walang ginagawa ang pamahalaan. Unang nagkaroon nang malawakang blackout matapos salakayin nang maraming dikya ang Sual plant sa Pangasinan noong Dec. 10, 1999. Ang ikalawa ay nangyari noong November 4, 2001 nang mag-trip ang Pagbilao plant sa Quezon province na umabot hanggang sa Sual, Pangasinan din. Kahapon nga ang ikatlo at umabot sa walong oras ang blackout. Ang nangyari kahapon ay walang ipinagkaiba noong nakaraang taon, bagamat mas maaga ito nangyari dakong 1:30 ng hapon. Nag-trip umano ang Tayabas-Kalayaan line sa Quezon. Nasakmal hindi lamang ng dilim at alinsangan ang taga-Metro Manila kundi pati ng takot na baka mayroon nang kudeta. Noon pang nakaraang taon umuugong ang kudeta sa gobyerno ni President Gloria Macapagal-Arroyo.
Ibat iba ang paliwanag ng National Power Corporation (Napocor) sa nangyaring blackout kahapon. May explosion umanong nangyari sa Tayabas line at inaalam pa nila ang katotohanan ng balitang iyon. May nagsabi namang ang dahilan ng blackout ay dahil sa mga ninanakaw ng kable ng Napocor at naging dahilan para ito mag-trip. Tulad ng mga nakaraang blackout, wala na namang maiturong dahilan ang mga awtoridad sa dahilan ng blackout. Sinabi ni Energy Sec. Vincent Perez sa isang radio interview na panahon na para i-upgrade at i-computerize ang system ng power plant upang maiwasan ang pagkakaroon ng tripping.
Naapektuhan ng blackout kahapon ang mga probinsiya ng Laguna, Cavite, Bulacan, Bataan, Pangasinan, Baguio, Pampanga, Nueva Ecija at ang buong Metro Manila. Nataon naman ang blackout habang nagmamartsa sa kalsada ang mga militanteng grupo at mga Erap loyalists na sinisisi si GMA. Nagtipon sa Liwasang Bonifacio, harapan ng Department of Agrarian Reform (DAR), Espana St. at Mendiola ang mga rallyists at isinisigaw ang galit kay GMA. Sinabi naman ng Malacañang na huwag mag-panic ang taumbayan sa nangyaring blackout sapagkat inaalam na nila ang dahilan nito.
Kahit na sabihin ng Malacañang na huwag mag-panic ang taumbayan at walang kudeta, hindi maiaalis na magkaroon ng takot ang lahat. Isang paraan para mawala ang alinlangan ay ang pagsasagawa ng pag-aaral upang hindi na maulit ang nakakukunsuming blackout. Gawing prayoridad ng gobyerno ang pagsasaayos sa problemang technical ng mga power plant.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest