^

PSN Opinyon

Sariling bahay at lupa para sa mahihirap

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
Sa kasalukuyang administrasyon, ang pagkakaroon ng sariling bahay at lupa ay hindi na isang panaginip lamang. Upang matugunan ang pangunahing pangangailangan na ito ng bawat Pilipino, ginawa itong prayoridad na proyekto ni President Gloria Macapagal-Arroyo. Hindi na malaking balakid ang kahirapan upang bigyan ng katuparan ang inaasam nilang magkaroon ng sariling bahay, manggagawa man o itinuturing na iskuwater sa lugar na tinitirhan. Sa pinansiyal na tulong ng pamahalaan at pagpapahiram ng mga pribadong banko at kooperasyon ng mga pribadong developers, mabibigyan na ng katuparan ang dati’y panaginip lamang.

Upang isakatuparan ang programa sa pabahay, pinatitibay ng ating tanggapan ang kaukulang pagpapatupad ng Community Mortgage Program sa ilalim ng pamamahala ng National Home Mortgage Financing Corp. (NHMFC). Sa pamamagitan ng pagkakaisa at pag-oorganisa ng mga iskuwater na nakatira sa isang pribadong lugar, maaari nilang kausapin ang nagmamay-ari ng lupa na ipagbili ito sa kanila sa murang halaga. Ang kanilang organisasyon ay kinakailangang mabigyan ng kaukulang pagkilala ng nasabing ahensiya bago ito mapahiram ng bayad sa lupang tinitirhan.

Ipagpapatuloy ang pagpapatibay ng kaukulang pagpapatupad ng Resettlement Program sa pamamahala ng National Housing Authority (NHA) inililikas ang mga nakatira sa mapanganib na lugar kagaya ng mga nasa ilalim ng tulay, gilid ng mga ilog at estero sa ilalim ng mga ginawang lugar ng relokasyon. Pinagtutuunan ng atensiyon ng pamahalaan ang kalagayan ng mga mahihirap na kababayan na nakatira sa mapanganib na lugar. Binibigyan sila ng pag-asa sa buhay sa pagbibigay sa kanila ng mainam na relokasyon at pagtuturo ng karagdagang hanapbuhay.

(Itutuloy)

BINIBIGYAN

COMMUNITY MORTGAGE PROGRAM

IPAGPAPATULOY

ITUTULOY

NATIONAL HOME MORTGAGE FINANCING CORP

NATIONAL HOUSING AUTHORITY

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

RESETTLEMENT PROGRAM

UPANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with