Bigkis Pinoy, hataw pa
January 21, 2002 | 12:00am
Pagbibigkis ng mga Pinoy. Iyan ang kailangan natin ngayon. At iyan mismo ang sinisikap ng samahang Bigkis-Pinoy. Ang mapagkaisa ang bayan sa harap ng makasariling intensyon ng ibat ibang sektor-politikal na makaagaw ng kapangyarihan. I wish this well-meaning NGO the best of luck.
Buti na lang at may ganito pang samahan na naniniwalang may pag-asa pang mabuo ang ating sabug-sabog na bansa. Ako nga medyo nagiging pessimistic na kung minsan sa nakikita kong asal ng ating mga makasariling politiko.
Notable achievement ng samahang ito ang pakikipag-alyansa sa kontrobersyal na Rebolusyonaryong Alyansang Makabayan (RAM) na dating nagsusulong ng mga madudugong kudeta o tangkang pang-aagaw ng kapangyarihan.
Sana, yung iba pang sektor na wala nang inisip kundi ang pagpapabagsak sa administrasyon ay matauhan na at mapagkuro na ang ganitong mga balak (kahit hindi pa naipatutupad) ay nakapipinsala sa pag-unlad ng ating bayan.
Noong Enero 19 ay lumagda ang Bigkis at ang RAM ng joint declaration laban sa paglulunsad ng ano mang kilos-protesta na naglalayong ibagsak ang pamahalaan. Tinawag itong Joint Declaration for Unity Peace and National Renewal.
The 200,000-member strong NGOs objective is to attain national unity na sadyang kailangang kailangan natin ngayon para naman sumulong ang ating ekonomiya na malaon nang retarded dahil nga sa pagbabangayan ng mga politiko.
Natutuwa naman ako at itong si retired Commodore Domingo Calajate na datiy isa sa mga nagpapasimuno ng mga madudugong coup detat ay naniniwala na ngayon sa mapayapang paraan para maisaayos ang takbo ng pamahalaan at lipunan.
Aniya, ang pag-iisa ng Bigkis at RAM ay matatawag na plataporma ng bawat Pinoy sa layuning iprayoridad ang interes ng taumbayan, at ibasura na ang counterproctive na political bickerings
This accomplishment is truly a feather to the cap of Bigkis and the RAM. Ayon sa executive director ng samahan na si Edward King, nakumbisi nila ang RAM na makiisa sa panawagan ng organisasyon para sa mahusay na gobyerno na matatamo lamang sa pamamagitan ng magaling at tapat na hudikatura, propesyunal na Armed Forces at isang pamahalaan na binubuo ng nagtutulungan at nagkakaisang mga leaders (maging silay sa administrasyon o oposisyon) na ang policy ay "tao muna bago pulitika".
Harinawang hindi suntok sa buwan ang pinupuntirya nyong magandang layunin.
Nakababanas na talaga ang mga nagaganap na bangayan sa ating political system na lalo lamang nagpapakita sa ulterior motive ng mga politikong ganid!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest