Si Rivera ayon sa mga awtoridad ay sangkot sa pagkakapatay sa isang kasapi ng CAFGU ilang taon na ang nakalilipas. Sa pagkakadakip kay Rivera, tila nawala ang anggulo na ang NPA ang may gawa ng krimen. Unang naireport na ang grupo ng Melito Glor Command ang may kagagawan sa pagpatay kay Punzalan.
Sinabi ng NBI na posibleng pulitika ang naging motibo sa pagpatay kay Punzalan, at lumalabas na si Rivera ay isang hired assassin. Itinanggi naman ng NPA na sila ang pumatay kay Punzalan.
Ano ba ang ginagawa ng mga kinauukulan upang bigyan ng kalutasan ang krimeng ito? Alam natin na hindi lamang ang kasong ito ang nagpapasakit ng ulo dulot ng kahinaan ng sistemang panghustisya.
Habang nananatiling gumagala ang mga kriminal ni Punzalan, hindi matatahimik ang kaso at marahil maging ang kalagayan ng pulitika sa lalawigan ng Quezon ay nakapangangamba.
Tinatawagan ang ating mga kinauukulan sa bagay na ito na lutasin at hanapin ang utak ng Punzalan murder. Abangan ang mga magaganap sa kasong ito ni Punzalan.