Programang pabahay prayoridad ng pamahalaan
January 16, 2002 | 12:00am
Ang pamahalaang-Arroyo ay patuloy na nagsisikap na malutas ang problema sa pabahay. Mabigat man ang problemang ito, matatag at puno ng pag-asa ang pamahalaan na matutupad at makakamit ang adhikain sa pagkakaloob ng sariling bahay sa ating mga kababayan.
Upang maisakatuparan ang mga mithiing ito, naglaan ang pamahalaan ng P20 bilyon para sa programang pabahay. Ang mga nagnanais magkaroon ng sariling bahay ay maaaring makahiram sa Pag-IBIG, Social Security System (SSS) at Goverment Service Insurance System (GSIS) sa ilalim ng kanilang programa sa pabahay.
Isang magandang halimbawa ng pagsasakatuparan ng proyektong pabahay ni President Gloria Macapagal-Arroyo ay nadama ng may 3,500 pamilya sa Fil-Oil sa Rosario, Cavite. Ang Fil-Oil Company ay nasa ilalim ng pamamahala ng Philippine National Oil Company. Naglaan ang ating pamahalaan ng P100 milyong budget para isakatuparan ito. Nag-umpisa na ang pagtatayo ng 143 bahay sa isang ektaryang lupa.
Ang pagkakaroon ng sariling bahay ay abot-kamay na ng ordinaryong mamamayan. Makaaasa po ang lahat na bibigyang buhay ng ating pamahalaan ang mithiing ito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended