^

PSN Opinyon

Editoryal - Iligtas ang mga Pinay sa e-mail order bride

-
Pinay for sale! iyan ang eksaktong katawagan sa mga Pilipinang naka- anunsiyo sa internet. Para silang mga bibingkang itinitinda at maaaring buksan ng sinuman sa buong mundo. Tatlong websites companies ang www.filipina.com, www.filipinawife.com at www.filipinalady.com ang nag-aalok ng mga Pinay para maging asawa o mas magandang pakinggan ay makaka-sex ng mga dayuhan. Sa halagang two dollars hanggang 60 dollars makaka-access na sa catalogues nang napakaraming Pinay. Nakalarawan sila roon at kumpleto ang detalye: pangalan, edad, tirahan, natapos na kurso, pangarap at iba pa. Ang tatlong websites ay pag-aari umano ng Davis Place International Internet Services at World Class Service na nakabase sa Florida.

Karamihan sa mga Pinay na nasa e-mail order bride ay mga taga-probinsiya. Karamihan sa kanila ay kabataan pa – mayroong edad 14 lamang. Ang ilan ay nakatapos ng kursong nursing, teacher, engineering samantalang ang iba ay katatapos lamang ng high school o nasa high school pa lamang. Nakasaad na gusto nilang makatagpo nang magiging ka-penpal o magiging "lifetime partner".

Marami nang nahulog sa ganitong uri ng pakikipagrelasyon. Maraming Pinay na matapos makatagpo ng lalaki sa pakikipagsulatan ay nahulog sa bitag. Sa halip na ang magandang buhay ang kanyang masumpungan ay ang kasawian tulad ng pagiging prostitute. Makaraang pakasalan ng lalaking napili niya ay ibinulid sa karumihan. Ang ilan ay namatay pa – malagim na kamatayan dahil ang nakuhang lalaki’y mga sadista pa. Ang kahirapan ng buhay sa bansa ang isang dahilan kung bakit maraming Pinay ang nangangarap makapag-asawa ng dayuhan.

Ang masaklap na kinahahantungan ng mga Pinay ang naging daan para likhain ang Philippine Anti-Mail Order Bride Law noong 1990. Pansamantalang natigil ang pagma-match ng mga Pinay sa mga dayuhan. Marami ang natuwa sa pagkakabatas subalit ngayo’y nagbabalik na naman at mas matindi ang nangyayari sapagkat sa internet pa.

Ang muling pagkabuhay ng ilegal na gawaing ito na magsasadlak na naman sa mga kawawang Pinay ay nararapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan at mga kinauukulan, lalo na ng mga senador. Nagpakita na ng ngipin si Sen. Loren Legarda na kailangang maimbestigahan kung sino ang Filipino counterpart ng dalawang online company.

Iligtas ang mga Pinay sa pagiging e-mail order bride bago maging huli ang lahat.

DAVIS PLACE INTERNATIONAL INTERNET SERVICES

ILIGTAS

KARAMIHAN

LOREN LEGARDA

MARAMI

MARAMING PINAY

PHILIPPINE ANTI-MAIL ORDER BRIDE LAW

PINAY

WORLD CLASS SERVICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with