Pinapatulan ang sira-ulo
January 7, 2002 | 12:00am
Malalim ang buntong-hininga ni Billy Esposo, dating kolumnista at founder ng Council on Philippines Affairs. "Sa Pilipinas lang pinapatulan ng media ang sira-ulo." daing niya. Tinutukoy ni Esposo ang dating madre na si Linda Montayre, secretary-general umano ng Peoples Consultative Assembly. Inakusahan kasi ni Montayre ang Copa na kasabwat umano ng Malacañang sa pagpaslang kay Baron Cervantes.
Matinding kritiko si Esposo ng administrasyong Arroyo. Gayundin ang ilang kasapi ng Copa at mga kaalyado nitong RAM at YOU sa Kanan, at Bayan at Sanlakas sa Kaliwa. Ilan ding kasapi ay nasa administrasyon. Si presidente Boy Saycon ay nasa Philippine Deposit Insurance Corp.; si dating Gob. Tingting Cojuangco ay nasa Malacañang. Kaibigan nila si Cervantes, na intelligence consultant ni National Security Adviser Roy Golez.
Kritiko rin ni Presidente Arroyo si Montayre. Pero walang batayan lahat ng paratang niya. Sinuhulan daw si Mrs. Arroyo para bawiin ang veto sa isang telecoms franchise. Nakipagkutsabahan daw ito kay Danding Cojuangco tungkol sa coconut levy funds. Smuggler daw ito ng bigas. Lahat, hindi mapatunayan. Pero pinaandar ng isang broadsheet at isang malaking broadcast network ang mga akusasyon. Ngayon naman, mamamatay-tao daw si Mrs. Arroyo. Headline na naman si Montayre.
Nagsi-alis na sa PCA ang mga orihinal na kasapi. Hindi na kasi nila matiis ang walang-pakundangang banat ni Montayre. Nahihiya sila; alam nilang masama lang ang loob nito dahil hindi nabigyan ng mataas na puwesto nung maupo si Presidente Arroyo. Naging PCSO consultant nga siya at ang asawa nang ilang buwan, pero sinibak sila dahil sa pang-iintriga. Doon nagsimulang bumanat si Montayre kay Mrs. Arroyo.
Papano naman bibigyan ng maselang puwesto si Montayre, e sira-ulo nga. Kapatid niya mismo, si ekonomistang Ed Olaguer, nagbababala na mag-ingat kay Montayre. Delikado raw ito, aniya. Kinasuhan nga niya ito ng graft, kasama ang ilang kamag-anak at crony ni Joseph Estrada, dahil sa panggagantso sa gobyerno nung 1999.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended