^

PSN Opinyon

December 30, 2000 bombings: Isang pamamaalam

KRUSADA - Dante L.A.Jimenez -
NAGING madugo ang pamamaalam ng taong 2000 dahil sa sunud-sunod na pambobomba na ikinamatay ng 17 katao at sumugat sa may 90 iba pa. Naganap ang mga pagsabog sa LRT, sa isang bus, sa may hotel, sa may US Embassy at sa NAIA cargo terminal. Tinuring itong pinakagrabe at pinakamadugong trahedya na naganap sa bansa sa loob ng isang dekada.

Napakalungkot ng pangyayari sapagkat ang mga biktima ay mga inosenteng mamamayan, kabilang ang mga bata. Dalawang pulis ang namatay habang tumutupad sa kanilang tungkulin. Pinipigil nila sa pagsabog ang isang bomba sa may Dusit Hotel sa Makati. Nabigo man ang mga pulis sa pagpigil ng bomba, itinanghal pa rin ng lipunan ang kagitingan at kabayanihan nina Insp. Nestor Salvador at SPO4 Roberto Gutierrez.

Matindi ang pinsalang idinulot ng mga pagsabog at hindi ko maiwasang magalit at mamuhi sa mga may kagagawan ng pambobomba. May ilang sektor ang nagsasabi na ang nangyari ay hudyat ng pagbabalik ng batas-militar sa bansa, katulad ng mga pangyayari noong 1972 nang ideklara ni Marcos ang martial law. Ang nangyari ay isang pagpapahiwatig ng tunay na kalagayan ng bansa.

Isang taon na ang nakakalipas matapos ang trahedya at hanggang ngayon ay wala pang hustisya sa mga biktima at hindi pa rin nadadakip at nabibigyan ng kaparusahan ang mga salarin sa krimeng ito. Magsilbi sanang isang aral sa kinauukulan at upang maiwasang mangyari uli ang ganitong trahedya.

Isang mapayapang Bagong Taon sa inyong lahat!

BAGONG TAON

DALAWANG

DUSIT HOTEL

ISANG

MAGSILBI

MAKATI

MATINDI

NESTOR SALVADOR

ROBERTO GUTIERREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with