Ang pagsilang sa ating Tagapaligtas
December 23, 2001 | 12:00am
DALAWANG libot isang taon na ang nakararaan nang ang ating Panginoon ay isinilang sa Betlehem. Ang pinakadakila sa lahat ng mga pangyayari ay ipagdiriwang natin sa Martes (Disyembre 25).
Inakala namin na mas mainam na ilahad na lamang ang naganap ayon sa Ebanghelyo ni Lukas. Basahin at mataimtim na pagnilayan ang mabuting Balita. May sinasabi sa inyo si Jesus (Lk. 2:1-14).
Nang panahong yaon, iniutos ng Emperador Augusto na magpatala ang lahat ng nasasakupan ng Imperyo ng Roma. Ang unang pagpapatalang ito ay ginawa nang si Cirenio ang gobernador ng Syria. Kayat umuwi ang bawat isa sa sariling bayan upang magpatala.
Mula sa Nazaret, Galilea, si Josey pumunta sa Betlehem, Judea, ang bayang sinilangan ni Haring David, sapagkat silay mula sa angkan at lahi ni David. Kasama niyang umuwi upang magpatala rin si Maria na kanyang magiging asawa sa nooy kagampan. Samantalang naroroon sila, dumating ang oras ng panganganak ni Maria at isinilang niya ang kanyang panganay at itoy lalaki. Binalot niya ng lampin ang sanggol at inihiga sa isang sabsaban, sapagkat wala nang lugar sa bahay-panuluyan.
Sa lupain ding yaon ay may mga pastol na nasa parang, nagpupuyat sa pagbabantay ng kanilang mga tupa. Biglang lumitaw sa harapan nila ang isang anghel ng Panginoon at lumaganap sa paligid nila ang nakasisilaw na kaning-ningan ng Panginoon. Natakot sila nang gayon na lamang, ngunit sinabi sa kanila ng anghel, Huwag kayong matakot! Akoy may dalang mabuting balita para sa inyo na magdudulot ng malaking kagalakan sa lahat ng tao. Sapagkat isinilang ngayon sa bayan ni David ang inyong Tagapagligtas, ang Kristong Panginoon. Ito ang palatandaan: matatagpuan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng lampin at nakahiga sa sabsaban.
Biglang lumitaw sa tabi ng anghel ang isang malaking hukbo ng kalangitan, na nagpupuri sa Diyos: Papuri sa Diyos sa kaitaasan at sa lupay kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya!
Maligayang Pasko sa lahat ng mga mambabasa. Naway bigyan kayo ng Sanggol na si Jesus ng kapayapaan at punuin ang inyong puso ng tuwa!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended