^

PSN Opinyon

Madaling magka-award kung sisipsip kay Gen.Mendoza ?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
Sa Enero 29 pa ang anibersaryo ng National Capital Regional Police Office (NCRPO)subalit sa ngayon pa lang ay may intriga ng kumakalat sa kampo ng pulisya sa Metro Manila. Siyempre dahil anibersaryo nga, may mga award na ibibigay si NCRPO Chief Director Edgar Aglipay sa mga outstanding officers and men ng NCRPO sa kanilang ginawang trabaho nitong nagdaang taon.

Tatalakayin ko ang award sa Senior Officers of the Year na usap-usapan ngayon ng mga pulis kahit saang sulok man ng Metro Manila. At kayo mga suki ang maghuhusga kung nagkamali ba ang screening committee o may "hokus pokus" na nangyari sa pilian.

Hindi pa binubunyag ni Aglipay kung sinu-sino ang bibigyan ng award sa naturang okasyon subalit kumalat na sa mga kampo ng pulisya na si Supt. Rodrigo de Gracia, hepe ng San Juan police, ang napiling Senior Officer of the Year ng NCRPO sa taong 2001. Si De Gracia, na isang abogado, ay pumasok na hepe ng pulisya ng San Juan ilang araw matapos ma-impeach noong Enero si dating Presidente Joseph Estrada. Dati siyang spokesman ng Philippine National Police (PNP).

Ang ipinagtataka ng maraming pulis na nakausap ko, bakit si De Gracia ang napili samantalang sunud-sunod ang mga sensational crimes na nangyari sa kanyang hurisdiksyon tulad ng Nida Blanca slay, Ma. Teresa Carlson suicide at robbery sa bahay ng anak ni Pasay Rep. Connie Dy. Ang kaso ni Blanca ay wala pang linaw hanggang sa ngayon, ang kaso ni Carlson ay napatunayan na talagang suicide samantalang ang sa anak naman ni Dy ay nalutas na.

Hindi lang ’yan. Mula nang maupo si De Gracia sa San Juan ay nagkalat na rin ang jueteng nina Mang Boy at Cris de la Paz ng Marikina City sa naturang bayan. Isama na si Peping Suarez, ang kumpare ni Erap na isa sa mga sumuporta sa tinatawag nilang EDSA 3. ’Yan ba ang dapat premyuhan?

Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga pulis na nakausap ko na may mga unit pa sa NCRPO na sangkaterba ang accomplishments. Bakit hindi sila pinansin ni Aglipay?

Ang award screening committee na pinamumunuan ni Chief Supt. Rowland Albano, ang deputy for administration ng NCRPO, ay nagsumite ng pangalan ng nanalong Senior Officer of the Year at hindi ’yon si De Gracia, ayon sa mga nakausap ko. Subalit hindi sinunod ni Aglipay ang rekomendasyon ng komite at tahasang sinabing si De Gracia na nga ang gagawing nanalo. He-he-he! Lutong makaw.

Nagbabayad kaya ng utang si Aglipay? Hindi naman kaila sa mga pulis na nakausap ko na itong si De Gracia ay batang sagrado ni PNP Chief Dir. Gen. Leandro Mendoza. At kung malapit ka pala kay Mendoza ay madali ang award sa ’yo. Kung ’yan ang gagawing batayan, siguradong hindi na magtatrabaho ang mga pulis at imbes aatupagin na lamang na mapalapit o sumipsip kay Mendoza para sa susunod magkaka-award rin sila. Ano ba ’yan?

AGLIPAY

CHIEF DIR

CHIEF DIRECTOR EDGAR AGLIPAY

CHIEF SUPT

DE GRACIA

METRO MANILA

SAN JUAN

SENIOR OFFICER OF THE YEAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with