Holdapan talamak sa Quezon City
December 18, 2001 | 12:00am
NASAAN kayo mga tulisan este mga pulis Quezon City kapag kailangan kayo ng mamamayan. Isang kuwago ng ORA MISMO ang inagawan ng cellphone at pera habang hinihintay nito ang kanyang sasakyan sa SM City, North Edsa, QC. PNP bossing Larry Mendoza, Sir!
Hindi nakapagsalita sa takot ang isang kuwago ng ORA MISMO porke mas mahal pa niya ang buhay niya kaysa perang nawala rito. Your Eminence Jaime Cardinal Sir!
Sangkatutak ang taong nagsisiksikan sa may curbside ng SM City pero ni isang pulis ay walang nakita ang kuwagong naagawan.
Saan kayo mga kamote kapag kailangan kayo ng mamamayan? Namamasko?
Aktibo ngayon ang mga mandarambong porke kailangan nila ang pitsa para sa kanilang sariling pamilya o kota sa kanilang mga among corrupt din na official ng PNP. DILG Secretary Joey Lina Sir!
Hindi na mapigil ng PNP ang jueteng at hindi pa rin mapigilan ang holdapan ngayong kapaskuhan! Pinoy saan ka pupunta para malibre ka sa disgrasya?
Mahigit P200,000 ang pinaghatian at isang Nokia 8850 cellphone ang nabira ng mga snatcher sa kuwago ng ORA MISMO. Biruin nyo sa loob ng bisinidad ng SM City, ni isang security guard o pulis ay walang nakatunog.
Baka patong ang mga tulisan este mga gagong pulis sa mga snatcher? tanong ng kuwagong fixer sa POEA.
Tiyak iyon, sagot ng kuwagong Kotong Cop.
Ang Mercury drugstore sa Quezon Blvd. ay tinira rin. Ni isang police walang makita ng mga oras na iyon, sabi ng kuwagong kamoteng hunghang.
Madalas ako sa Mercury drug sa nasabing lugar para bumili ng gatas ng anak ko. Tatlo hanggang apat ang tulisan este pulis na nakikita ko diyan at may dala pang armalite, sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Baka naman namamasko lang boy?
Bakit pag may holdapan walang makita sa kanila?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended