EDITORYAL - Drug trafficking patuloy dahil sa mga corrupt
December 18, 2001 | 12:00am
LAGING sinasabi ng pamahalaan na maigting ang kanilang kampanya laban sa mga salot na nagpapakalat ng bawal na droga. Sinasabi ni President Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang mga talumpati na dudurugin ang mga drug lord at nagbuo siya ng mga task force na babaka sa lahat ng mga kriminal. Hanggang sa kasalukuyan hindi pa nadarama ang ngipin ng kanyang pagbabanta at wala pa ring tigil sa pagdagsa ang mga illegal drugs (shabu) mula sa Hong Kong at China. Mas lalo pa yatang lumala sapagkat ang napagtutuunan ng pansin ng pamahalaan ay ang pagsangga sa mga batikos. Pang-press release lamang ba ang ipinakikitang pag-raid sa mga hinihinalang laboratoryo ng shabu?
Hindi na kataka-taka kung dumating ang panahon na ang ating bansa ay isa nang narcostate. Isang pagpapatunay na hindi lamang mga opisyal at miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang sangkot sa pagpapakalat ng shabu kundi pati mga mayor, governor at barangay chairman. Kaya hindi nakapagtataka na maski ang mga barangay na hindi pa nararating ng koryente at wala pang mga kalsada ay naunahan pa ng shabu.
Nang mahuli si Mayor Ronnie Mitra ng Panukulan, Quezon noong October 2001 habang itinatransport ang 503.6 kilos ng shabu, marami ang nag-akala na sunud-sunod nang babagsak ang mga opisyales ng pamahalaan na kumakalong sa mga drug lords at masasawata na ang pagdagsa ng shabu sa ating bansa. Maling pag-aakala sapagkat patuloy ang bentahan ng shabu sa kalsada na animoy hot cake. Wala nang nabalita kung nasaan ang nakumpiskang shabu kay Mitra. Marami ang naghihinalang ni-recycle uli ito at ibinenta na sa kalye.
Hindi lamang mayor ang sangkot sa shabu. Maging ang National Bureau of Investigation (NBI) at ang corrupt na Bureau of Customs (BOC) ay sangkot na rin. Nasa "hot water" ngayon ang mga opisyal ng NBI at BOC dahil sa pagkawala nang may 100 kilo ng shabu noong November 20. Ang shabu na galing Hong Kong ay nagkakahalaga ng P200 milyon. Sinisilip ang anggulong kutsabahan ng mga officials ng NBI at BOC kung bakit naipuslit ang shabu sa kabila na ito ay nai-tip na sa mga awtoridad noon pang November 17. Dalawamput isang katao ang sangkot sa mahiwagang pagkakawala ng shabu.
Patungo na tayo sa pagiging narcostate pero maaari pa itong mapigilan kung magiging masigasig si GMA na basagin ang mga bugok na itlog sa PNP, NBI, Customs at durugin ang mga corrupt na mayor at governor. Maawa sa bansang ito na pawang kahirapan ang dinaranas. Iligtas sa illegal drugs.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended