^

PSN Opinyon

Gen.Mendoza, tulungan mo ang mga retiradong pulis

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
IMBES na ang extension niya ang kanyang pagkaabalahan, dapat lang sigurong pagtuunan ng pansin ng liderato ni Philippine National Police (PNP) chief Director Gen. Leandro Mendoza kung paano matutulungan ang mga retiradong pulis.

Mas mataas pala ang pension ng PNP members kaysa pinalitan nilang Integrated National Police (INP). Sinabi ni Maj. Pete Angulo, vice president at general manager of Manila’s Finest Retirees Association, Inc. (MFRAI) ang pension pala ng isang retiradong police brigadier general ay katumbas lamang ng pension ng SPO4 o police sergeant ng PNP. Ano ba ’yan? At sa ngayon ang MFRAI, na may mahigit isang libong miyembro, ay gumagawa ng kaukulang hakbang para maayos ang problemang ito at mabigyang katarungan ang retiradong INP members.

Hinihikayat nila ang Kongreso na i-amend nga ang PNP law. Inilapit na ng mga INP members ang kanilang hinaing sa mag-amang Sen. Robert Barbers at Rep. Ace Barbers na nangako naman ng buong suporta. Dapat talagang magtulungan dito para mapadali ang pag-ayos ng gusot na ’to, di ba mga suki?

Si Angulo ay nagretiro sa PNP at hindi siya magkaroon ng benepisyo sa apila ng MFRAI na ito. Subalit bilang isang Filipino citizen, ‘‘I will be remiss in my duties if this grave injustice will not be corrected,’’ sabi ni Angulo sa sulat sa akin.

Dapat tularan ni Gen. Mendoza itong si Angulo na inuuna ang kapakanan ng marami kaysa ang para sa sarili. Ang INP retirees ay ‘yaong nagretiro bago magiging epektibo ang PNP law noong 1991. Masyadong mababa ang pension na tinatanggap ng INP members na karamihan sa kanila ay may karamdaman na dahil nga ang edad ng pagretiro noon ay 65 years pa. Marami sa kanila ang naghihirap at sa tingin ng MFRAI ipantay man lamang ang kanilang pension sa PNP ay gaganda na ang buhay nila.

Kung sabagay, parehas lang naman ang naging trabaho nitong INP at PNP members. Itinaya nila ang kani-kanilang buhay para gumanda ang peace and order ng ating bansa. Eh, bakit sa premyo o pension magkaiba pa ang tinatanggap nila. Hindi makatwiran di ba mga suki?

Sa ngayon, tinatawagan ng MFRAI sa pamumuno ni Ret./P/Col. Felicisimo Lazaro ang lahat ng INP retirees na tumawag sa Tel. 5255592 o 525595 para mapabilang sila sa kanilang adhikain. Hanapin lang ang mga sumusunod: Tessie Abadillos, Tessie Clemente, Joan Carlos, Zeny Isleta at Malot Millora. Ang kinakailangang impormasyon ay ang pangalan, edad, address, telephone number, monthly pension at date of retirement.

Malaking bagay ito para sa mga naghihikahos nating INP members kapag si Gen. Mendoza mismo ang gumalaw at ibato sa Kongreso ang problemang ito, di ba mga suki. At sigurado akong aani si Mendoza ng papuri kapag naisulong niya ang amendment bago siya ay magretiro mismo.

ACE BARBERS

ANGULO

DAPAT

DIRECTOR GEN

FELICISIMO LAZARO

FINEST RETIREES ASSOCIATION

INP

INTEGRATED NATIONAL POLICE

MENDOZA

PNP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with