PALEA, palaban vs Alvarez
December 10, 2001 | 12:00am
Umaalma muli ang Philippine Airlines Employees Association (PALEA). Ngayon namay laban kay Department of Transportation and Communications Secretary Pantaleon Alvarez.
IBASURA ANG KUMPIRMASYON ang sigaw ng PALEA laban kay Alvarez na nauna nang isinabit ni Bing Rodrigo sa Telecommunications Franchise deal scam na nagdadawit din kina Presidente Gloria Arroyo at First Gentleman Mike Arroyo.
Pero ibang isyu ang ipinoprotesta ng PALEA. Itoy kaugnay umano ng pagkakasabit ni Alvarez sa Philippine-Korea Bilateral Negotiations na ginanap sa Seoul noong Nob. 28-29, 2001. Ito at iba pang maseselang akusasyon na tatalakayin natin.
Masyado raw dehado ang local airlines sa foreign airlines sa nabanggit na negosasyon dahil sa halip na ipatupad ang seat entitlement ay frequency entitlement ang pinaboran ni Alvarez, ani PALEA spokesman Ed Oredina.
Pabor na pabor sa foreign airlines ang frequency entitlement dahil isang lipad lang ng malaking eroplano ng Korea, gaya ng 767, ay napakarami na ng pasaherong puwede nitong isakay, tayo naman ay wala pang ganito kalaking mga eroplano na magsasakay ng kasing dami ring pasahero. Kung paiiralin sana ang seat entitlement, hindi argabyado ang Pilipinas sa kasunduang ito, pahayag ni Oredina na inihalimbawa ang kasunduan sa pamamasada ng isang jeepney kontra bus.
Binanggit din ni Oredina ang umanoy maanomalyang secret deal ng DOTC sa RP-Singapore noong Agosto 25, 2001, gayundin ang umanoy pagmomonopolyo ng Philippine International Air Terminal Co. Inc. (PIATCO) sa NAIA Terminal 3, na sasalanta sa may 10,000 manggagawa at local concessionaries sa Terminal 1 at 2.
Ayon kay Oredina, hindi pa nakuntento sa Singapore at Korean agreement, may nakahanay na namang pakikipagkasundo ang DOTC sa Macau. Pinapatay ni Alvarez ang local airline industry sa pagbibigay ng malalaking pabor sa mga foreign airlines.
Dahil dito, hiniling ngayon ng PALEA sa CA na ibasura ang kumpirmasyon ni Alvarez na higit na pinangingibabawan ng personal interes kaysa ipaglaban ang interes ng bansa, partikular na ang interes ng local airlines.
Nanawagan din ang PALEA kina Reps. Roy Lopez, committee on good government chair; Rosellier Barinaga, labor committee chair; Jing Paras, transportation and communication chair; at Raffy Nantes, Commission on Appointment chair, na imbestigahan ang mga nasabing kontrobersiya na kinasasangkutan ni Alvarez.
Lubhang kontrobersyal itong si Alvarez. Kung di totoo ang mga alegasyong ito, dapat siyang magpaliwanag. The burden of disproving the charges is on his shoulder.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended