^

PSN Opinyon

Pagkamatay ni Teresa Carlson sarado na?

HALA BIRA - Danny Macabuhay -
Inilibing na noong Sabado si Maria Teresa Carlson. Si Carlson, dating aktres, ay tumalon sa 23rd Floor ng Platinum 2000 sa San Juan noong Nobyembre 23.

Si Carlson ay ilang ulit na ring naging laman ng mga pahayagan dahil sa pagpapahayag nito na siya umano ay binubugbog at inaabuso ng asawang si dating Ilocos Norte Gov. Rodolfo Fariñas. Ilang beses nang isiniwalat ni Carlson sa mga media interview ang ginagawang pagmamaltrato ng kanyang asawa. Hindi rin inilihim ng aktres sa kanyang mga malalapit na kaibigan ang pananakit ni Fariñas.

Pero ang masaklap, iniaatras ni Carlson ang lahat ng mga sinumbong niya kapag nailapit na sa mga may awtoridad. Naranasan na rin ito ng Commission on Human Rights (CHR) nang lapitan sila ni Carlson upang ireklamo ang pananakit ng asawa nito. Sinabi niyang isa siyang battered wife at matagal nang nagtitiis. Subalit nagre-retract si Carlson.

Marami ang hindi makaintindi sa ginagawa ni Carlson. Yung nakakaintindi naman ay nagsasabing takot na takot lamang si Carlson kay Fariñas. Hindi malaman kahit na malalapit na kaibigan ni Carlson kung bakit pinababayaan nitong hindi napaparusahan ang asawa sa diumanong ginagawa nitong pang-aabuso sa kanya.

May bulung-bulungan akong naririnig na baka raw madawit si Fariñas sa pagkamatay ng kanyang asawa. Inihayag ni CHR chairperson, Aurora Navarette-Recina na dapat kasuhan si Fariñas sa pagpapatiwakal ni Carlson sapagkat hindi na lingid sa kaalaman ng nakararami ang ginagawa nitong pananakit sa asawa. May balita namang sarado na raw ang pagkamatay ni Carlson, ayon sa pulisya.

Abangan natin kung may gugulong na hustisya.

ABANGAN

AURORA NAVARETTE-RECINA

CARLSON

FARI

HUMAN RIGHTS

ILOCOS NORTE GOV

MARIA TERESA CARLSON

RODOLFO FARI

SAN JUAN

SI CARLSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with