Shabu at jueteng talamak sa Lucena City
November 27, 2001 | 12:00am
Matindi raw ang kasosyo sa negosyo ni Mayor Ronnie Mitra, ng Panukulan, Quezon. Lumulutang ang pangalan ng dating insurance agent sa Lucena City na binabagsakan daw ni Mitra ng saku-sakong shabu para ipakalat sa buong Quezon province. Si Mitra kung inyo pang natatandaan ay nahulihan ng 500 kilo ng shabu noong nakaraang buwan. PNP bossing Leandro Mendoza, Sir!
Front ng grupong ito ang Super-Quick jueteng para palabasin ang pera nila ay galing sa illegal na sugal at hindi sa shabu. Apat na beses binobola ang number game sa Lucena City sa loob ng isang araw. Lucena Mayor Ramon Talaga Jr., talaga bang hindi mo alam ito?
Sugal at shabu raw ang pinagkakaabalahan ng mga dupang sa bisyo diyan sa Lucena City. Wala raw ginagawa ang kapulisan ng nasabing bayan kundi kunsintihin ang jueteng.
Kinakapa ng intelligence community ang operasyon ng droga sa Quezon province porke ito raw ngayon ang ginagamit ng international drug syndicate sa kanilang operasyon.
Quezon, Zambales connection ngayon ang operasyon ng shabu. Iba kasi ang terrain at maganda ang bagsakan ng droga sa mga karagatan.
Nagkabukulan lamang sa pera hindi dahil sa tindi ng monitoring ng mga awtoridad kundi dahil sa bulsahan ng pitsa sa droga!
Ano ngayon ang dapat gawin para matigil ang bisyo diyan sa Lucena City? tanong ng kuwagong Kotong Cop.
Isumbong kay Mayor Talaga para talagang malaman niya ito, sagot ng kuwagong fixer sa POEA.
Sa anong paraan?
Ituro at ipasuspinde ang mga pulis na sangkot sa jueteng at shabu.
Sino ba itong dating insurance agent na yumaman daw sa jueteng at shabu?
Itanong natin kay Mayor Talaga at baka alam niya.
Baka hindi niya kilala kasi walang pangalan.
Iba si Mayor Talaga pag pinatrabaho ka. Talagang makikilala ka!
Ano ang dapat gawin? tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Italaga kay Mayor Talaga ang trabahong ito porke siya ang ama ng Lucena City.
Korek, ka diyan kamote!"

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am