^

PSN Opinyon

"Katakam-takam" na alok ng Amerika

- Al G. Pedroche -
Tiyak, ang mga militanteng sektor na kontra sa "imperyalismo" ng Amerika ay magpo-protesta na naman.

Ito’y kaugnay ng alok ng United States sa Pilipinas na magbibigay ito ng todo-todong military assistance sa bansa kapalit nang unlimited access sa mga iniwanan nitong base militar kaugnay ng pagpapatuloy ng digmaan laban sa terorismo.

Hindi lang iyan. Kinokonsidera rin umano ng US na bigyan ng debt relief ang Pilipinas amounting to $50 billion dahil maagap itong tumugon sa panawagan ng Amerika sa mga bansa na magbalikatan laban sa terorismo.

Sa isang bansang hindi makahulagpos dahil sa matinding pagkakabaon sa utang, malaking tulong niyan.

Kaya lang, ang debt relief ay hindi bumubura sa ating utang. Pinalalawig lang nito ang panahon ng ating pagbabayad.

Mas maganda siguro kung ito’y complete write-off o ganap na pagpapatawad sa ating malaking pagkakautang.

Ibig kong sabihin, inaalok na rin lamang tayo ng tulong, bakit hindi pa bigay-todo?

Ngunit ano’ng magagawa natin bilang isang maliit na bansang nangangailangan ng saklolo? Wala kundi kumagat sa alok. At ang indikasyon ay kakagat sa alok ang Pilipinas.

Sinabi mismo ni Presidente Gloria Arroyo na ang problema sa terorismo ay hindi pa kinakikitaan ng solusyon dahil sa tindi ng krisis sa ekonomiya na sumasaklot sa bansa.

Kailangan daw muna na maging "prosperous" o masagana ang ekonomiya ng bansa bago malutas ang terorismo.

Pero hindi ko yata masakyan ang pahayag ng Pangulo.

Ang United States ang dumanas ng pinakamatinding bigwas ng terorismo nang sabay-sabay na itumba ang twin towers sa New York at bahagi ng Pentagon.

At hindi hikahos na bansa ang US. Katunayan ito ang may control sa pinakamalaking bahagdan ng ekonomiya ng daigdig.

At kung ang mga maliliit na bansa’y lalung dumaranas ng kahirapan sa ngayon, ito’y dahil sa bigwas ng terorismo na sumapok sa Amerika. Sabi nga, sakit ng kalingkingan, sakit ng buong katawan.

Sa tingin ko, dalawang uri ng terorismo ang naghahari ngayon. Terorismong ibinubunsod ng mga religious fanatics at walang kinalaman sa ekonomiya; at ang terorismo na dulot ng kahirapan. Marami ang natututong maghasik ng lagim at gumawa ng masama dahil sa kahirapan.

But we’re not only dealing with terrorism wrought by poverty but with religious terrorism.

Religious problems need to be approached with religious solution. That is going back to God and seeking His help.

Sabi ng Salita ng Diyos: Seek first the kingdom of God and all his righteousness and everything will be added unto you.

Okay lang ang tulong pinansyal ng Amerika dahil may maitutulong iyan sa pag-aangat ng ekonomiya ng bansa. Pero mawawalan ng silbi ang lahat kung hindi natin uunahin ang pananalig sa Diyos.

AMERIKA

ANG UNITED STATES

BANSA

DIYOS

NEW YORK

PERO

PILIPINAS

PRESIDENTE GLORIA ARROYO

TERORISMO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with