^

PSN Opinyon

Editoryal - Unahin ang may problema sa pension

-
Hindi nagiging parehas ang pamahalaan sa pagbibigay ng pension sa mga taong nagbuwis ng buhay para ipagtanggol ang Inambayan. May tinitingnan at may tinititigan na ngayon. Ngayo’y marami nang beterano ang umaalma sa madalas na pagkaatrasado ng kanilang buwanang pension. Ang iba nama’y basta na lamang tumitigil ang kanilang pension sa hindi malamang kadahilanan. Ang Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) naman ay walang maibigay na kasagutan sa maraming reklamong iniluluhog ng mga beterano o ng kanilang mga beneficiaries.

Gayong maraming beterano ang nagrereklamo sa kanilang pension at naghihikahos na, hindi naman mailarawan ang katuwaan ni dating First Lady Imelda Marcos makaraang tanggapin ang pension ng kanyang asawang si Ferdinand. Tinanggap ni Mrs. Marcos ang tsekeng nagkakahalaga ng P46,500 para sa buong taong ito. Ang pagbibigay ng pension sa dating Presidente ay katibayang kinikilala na ng gobyerno ang kanyang pakikipaglaban noong World War II. Si Marcos ay dating major ng Army’s 21st Division. Halos maiyak ang dating first lady nang tanggapin ang tseke. Marami ang nagsasabi na kasunod ng pension ay ang pagpayag ng gobyerno na mailibing sa Libingan ng mga Bayani ang dating Presidente.

Ang mga Marcos ay pinabagsak ng people power revolution noong 1986 makaraan ang 20 taon sa puwesto. Nalugmok ang bansa sa kahirapan dahil sa talamak na pangungurakot sa kaban ng bayan subalit ngayo’y tila nalilimutan na ang pagsasamantala at binibigyan pa sila ng prayoridad kaysa sa mga mahihirap na beterano ng digma. Iyong mga dapat tulungan ay hindi napapansin.

Isang sulat mula sa anak ng isang war veteran ang inilathala ng Pilipino Star NGAYON noong Nov. 10 (Dear Editor column, page 5). Sabi ng sumulat, biglang tumigil ang pensiyon ng kanilang ama noong October 2000 at nang kanilang i-verify sa PVAO, kung anu-anong nakagigimbal na dahilan ang ibinigay sa kanila. Namatay ang kanilang ama na hindi naibalik ang pension. Hindi nila alam kung ano ang dahilan at naputol ang pension. Patuloy namang naghihintay ang kanilang matandang ina sa pension ng asawa subalit magpahanggang sa kasalukuyan ay walang dumarating.

Hindi parehas ang pamahalaan. Sa bansang ito, kung sino ang maiimpluwensiya at may pera ay siyang inuuna, at kung sino ang nagdarahop ay siyang pinababayaan at hindi kinakalinga. Hindi pantay-pantay sa pagtingin. Sana’y magising ang gobyerno.

ANG PHILIPPINE VETERANS AFFAIRS OFFICE

DEAR EDITOR

FIRST LADY IMELDA MARCOS

KANILANG

MRS. MARCOS

PENSION

PILIPINO STAR

SI MARCOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with