^

PSN Opinyon

Ang katawan at pagkabuhay na muli

ALAY DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
Ang pagkabuhay na muli ay isa sa mga pangunahing paniniwala ng mga Kristiyano. Ito ay nangangahulugan na tayo ay naniniwala sa buhay sa kabila ng buhay dito sa lupa. May ganap na panibagong buhay pagkatapos ng kamatayan. At ang ating mismong pagkatao ang magkakaroon ng bago at pinagpalang pamumuhay.

Salamat sa mga katanungan ng mga Saduseo na hindi naniniwala sa pagkabuhay na muli. Nagkaroon tayo ng kasagutan mula mismo kay Jesus kung bakit sa pagkabuhay na muli ang mga tao ay hindi na kailangang pakasal.

Narito ang salaysay mula kay Lukas (Lk. 20:27-35).

‘‘May isang Saduseo na lumapit kay Jesus. (Ang Saduseo’y hindi naniniwala na muling bubuhayin ang mga patay). ‘Guro, anila, ‘naglagda po si Moises ng ganitong batas para sa amin: ‘‘Kung namatay ang isang lalaki at maiwang walang anak ang kanyang asawa, ang kapatid na lalaki’y dapat pakasal sa balo upang magkaanak sila para sa namatay.’’ May pitong magkakapatid na lalaki. Nag-asawa ang panganay, at namatay na walang anak. Napakasal sa balo ang pangalawa, at namatay. Gayon din ang nangyari sa pangatlo hanggang sa pampito; isa-isang napangasawa ng babae at pawang namatay na walang anak. Sa kahuli-huliha’y namatay naman ang babae. Sa muling pagkabuhay, sino po sa pito ang kikilalaning asawa niya yamang napangasawa niya silang lahat?

‘‘Sumago si Jesus. ‘Sa buhay na ito, ang mga lalaki at babae’y nag-aasawa, ngunit ang mga lalaki’t babaing karapat-dapat na huling buhayin para sa kabilang buhay ay hindi na mag-aasawa. Hindi na sila mamamatay sapagkat matutulad sila sa mga anghel. At sila’y mga anak ng Diyos yamang muli silang binuhay. Maging si Moises ay nagpapatunay na muling binubuhay ang mga patay. Sapagkat sa kanyang kasaysayan hinggil sa nagliliyab na mababang punongkahoy, ang Panginoon ay tinawag niyang ‘‘Diyos ni Abraham, Diyos ni Isaac at Diyos ni Jacob.’’ Ngunit ang Diyos ay hindi Diyos ng mga patay kundi ng mga buhay – sa kanya’y buhay ang lahat.’ Sinabi ng ilan sa mga eskriba, ‘Magulang ang sagot ninyo, Guro!’’ At wala nang nangahas na magtanong sa kanya ng anuman.’’


Sa pagsipi ni Jesus kay Moises na nagsabi: ‘‘Ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac at ang Diyos ni Jacob ay hindi Diyos ng mga patay kundi ng mga buhay,’’ maliwanag na may pagkabuhay na muli. Ang mga tao’y patuloy na mabubuhay pagkatapos ng kamatayan.

Ang isa pang punto na nakapagpapasaya at nakapagpapagaan ng kalooban ay: Na madidiskubre nating muli ngayon ang kaisahan ng tao. Manunumbalik ang dangal ng katawan. Ang katawan ay instrumento ng kagandahan at sining. Sa pamamagitan ng ating katawan maaari tayong makagawa ng maraming bagay. Tayo ay nakakakanta, nakapagsasalita, nakapaglalaro. Sa pagkabuhay na muli, ang katawan ay nagkakaroon ng panibagong dangal at ganda. Wala nang kamatayan, wala nang pagkaagnas. At ang bagong buhay na ito ay magiging magpakailanman.

ANG DIYOS

ANG SADUSEO

BUHAY

DIYOS

GURO

MOISES

MULI

SADUSEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with