^

PSN Opinyon

Editoryal - Sandigan ng bangayan

-
KAHIT pumagitna na si Supreme Court Justice Hilario Davide Jr. sa bangayan nina Sandiganbayan presiding justice Francis Garchitorena at Associate Justice Anacleto Badoy Jr. patuloy pa rin ang dalawa sa pagsisikmatan. Nakalutang pa rin ang kanilang mga pangil. Lumawak pa ang bangayan ng dalawa dahil nagkahati-hati na ang mga empleado sa Sandiganbayan, may kampi kay Garchitorena at mayroon kay Badoy. Sa ganitong nangyayari, nakikini-kinita na walang patutunguhan ang mga kasong isasampa sa Korteng ito lalo pa ang mga kaso ng graft and corruption. Mas aatupagin ng mga mahistrado ang sarili nilang away kaysa sa pagmamadali ng mga kaso. Parang sinasadya na nataon ang pagbabangayan sa panahong nililitis ang kaso ni dating President Estrada. Nahaharap si Estrada sa kasong plunder o pandarambong.

Sa takbo ng mga pangyayari, malabo nang umusad nang mabilis ang trial ni Estrada. At sa aming paningin, tila pumapabor kay Estrada ang pagbabangayan ng mga mahistrado. Sa aming paniwala’y mas gusto niya ang nangyayaring ito. Mas nagkakagulo ang mga mahistrado ay mas okey. Nakapuntos na siya makaraang paboran ni Garchitorena ang kaso niyang perjury. Hinarang ni Garchitorena ang pagpiprisinta ng mga witnesses sapagkat hindi umano ito nakalagay sa original charge sheet.

Nagsimula ang paglalabu-labo nang akusahan ni Badoy si Garchitorena nang pampi-pressure. Ibig umano ni Garchitorena na magbitiw siya sa paghawak sa plunder case ni Estrada. May pahiwatig na ibig mapawalang-sala ni Garchitorena si Estrada sa plunder case. Pinabulaanan naman ito ni Garchitorena. Hindi umano siya kundi si Associate Justice Ricardo Ilarde ang may gustong patalsikin si Badoy.

Nasisira ang Sandiganbayan dahil sa pag-aaway ng mga mahistrado at hindi ito dapat mangyari. Matagal nang uhaw ang taumbayan na malaman ang katotohanan sa mga kaso ni Estrada. At kung ganitong nagkakagatan ang mga magigiting na mahistrado, paano masusumpungan ang katotohanan. Hindi dapat matuwa si Estrada sa nangyayaring ito, sapagkat lalo lamang tatagal ang kanyang kaso. Siya na rin ang nagsabi na wala siyang kasalanan at inosente siya sa mga akusasyon. Bakit hindi siya ang mag-pressure sa mga mahistrado na madaliin ang kanyang kaso. Payuhan niyang huwag magbangayan ang mga ito upang madaling madesisyunan ang kanyang kaso. Nagkakamali si Estrada kung makabubuti ang pag-aaway nina Garchitorena at Badoy. Siya ang apektado rito na baka habambuhay na siya sa ospital na kinalalagyan.

ASSOCIATE JUSTICE ANACLETO BADOY JR.

ASSOCIATE JUSTICE RICARDO ILARDE

BADOY

ESTRADA

FRANCIS GARCHITORENA

GARCHITORENA

KASO

SANDIGANBAYAN

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with