Ang magmamanok
November 10, 2001 | 12:00am
Ang pinakamalaking pinagkakakitaan ni Pareng Tonying ay ang kanyang manukan. Pinakamalakas ito sa buong nayon.
Nag-umpisa siya sa 100 inahin hanggang sa maging libu-libo. Karaniwan ay nakapupulot siya ng 850 itlog sa bawat isang libong manok.
Sa kabila na maraming kinikita ay madalas na sinasabi ni Pareng Tonying. Baon pa rin ako sa utang. Masama raw kasi ang magyabang na malaki ang kita sapagkat dadapo ang kamalasan.
Mahirap daw mag-alaga ng manok ayon kay Pareng Tonying.
Walang katapusan ang trabaho, paliwanag ni Pareng Tonying. Lalo pag lumamig ang panahon. Kailangang magsindi ng lampara at tabingan ang manukan para huwag pasukin ng hangin. Magpakain lang at mamulot ng itlog ay walang katapusan.
Totoo ba ang balita ko na bihira kang kumain ng itlog, Pare?
Totoo iyon, Doktor, sagot ni Pareng Tonying na walang bahid na hiya. Pero may dahilan. Pag nagmamanukan ka ay mayroong kontrata para mag-intrega ng itlog araw-araw sa mga biyahera. Kaya importante na unahin ang kontrata kaysa kumain ng itlog. Pero pag may nababasag ay kinakain namin.
E, kung walang mabasag?
Di hindi kami kumakain. Pero palagi namang mayroong nababasag.
Bakit ang ibinibigay mo sa akin ay buo. Dapat yong basag lang, sabi ko.
"Naku, hindi maaari. Pag ginawa ko iyon, papatayin ako ng kumare mo.
Bigla akong nakadama ng pasasalamat sa puso ko. Hindi ko masabi ngunit naroon sa kalooban ko ang malalim na pagpapahalaga kay Pareng Tonying. Sapagkat narito ang isang may manukan na hindi kumakain ng itlog maliban kung may mabasag. Pero madalas magpadala ng isang dosenang itlog para sa aking pamilya. Regalong galing sa puso at mula sa pawis ng kanyang pagmamanok.
Siya si Pareng Tonying, ang aking kaibigan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest