^

PSN Opinyon

Taliwas sa katotohanan ang mga sinabi ni GMA kay Mendoza

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
Marami ang napailing sa ginawang pagpuri ni President Gloria Macapagal-Arroyo kay Philippine National Police (PNP) Chief Dir. Gen. Leandro Mendoza. Sinabi kasi ni GMA na si General Mendoza ay hindi tumatanggap sa jueteng at inihalintulad niya ito kay Elliot Ness ang government agent ng America na nagpabagsak sa gangster na si Al Capone.

Kung buo at panatag ang loob ni GMA sa kanyang sinabi, ang mga pulis naman na nakausap ko ay napailing na lamang at nagsabing mukhang taliwas sa katotohanan ang mga binitiwan niyang salita. Sa tinuran ni GMA na hindi tumatanggap si Mendoza ng jueteng money, ibig sabihin nito alam niya na talamak na ang illegal na sugal sa buong bansa. At dapat mahiya si Mendoza na tawaging Elliot Ness dahil sa katotohanan, hindi nabawasan kundi lalong lumala ang peace and order situation ng bansa sa ilalim ng kanyang liderato, ayon sa mga pulis na nakausap ko.

Ang tanong ngayon ng mga pulis na nakausap ko, ginawa kaya ni GMA ang paglinis ng pangalan ni Mendoza para mag-go slow ang PNP sa asawa niyang si Mike Arroyo at whistle blower Luis ‘‘Chavit’’ Singson na inakusahang nasa likod ng jueteng sa Ilocos Region? Mukhang may katotohanan ang isyung ito dahil mismo si Singson ang umamin sa ilang forum na nasa likod siya ng jueteng sa Ilocos Region noong kapanahunan ni dating Presidente Estrada.

Iginigiit naman ng mga pulis na nakausap ko na may dumarating na P8 milyon jueteng money kada buwan sa opisina ni Mendoza galing sa tanyag na gambling lord sa Central Luzon. At ang bagman ni Mendoza sa koleksiyon sa jueteng ay ang isang alyas Carding, na nag-oopisina sa LaGenda nightclub sa Quezon City. Alam ito ni Boss Wally, di ba mga suki?

At sa probinsiya ni GMA sa Pampanga, patuloy pa rin ang jueteng ni alyas Ngongo. Si ex-Mayor Ditangco naman ang may kontrol ng jueteng sa bayan ng Macabebe habang ang pangalan naman ni Undersecretary Epifanio Lacap ng Department of Health (DOH) ay nilulutang na financier sa bayan ng Masantol. Kung bakit hindi sila mapahinto ni Chief Supt. Reynaldo Berroya, hepe ng Police Regional Office 3 (PRO3) ay hindi ko alam.

May gustong maging PNP chief itong si Berroya pero jueteng lang nina Ngongo, Ditangco at Lacap ay hindi niya maaksiyunan. Burahin mo na sa isipan mo ang pangarap mong ’yan General Berroya.

Sa pagiging Elliot Ness naman ni General Mendoza, hindi ’ata nagbabasa ng diyaryo itong si GMA. Kaliwa’t kanan ang inireport na krimen sa diyaryo ay mukhang si GMA na lang ang hindi nakaaalam. Maging ang PNP ay umaamin na halos dumoble ang bilang ng kidnapping-for-ransom cases ngayon kumpara sa nakaraang taon e di walang katuturan itong mga papuri ni GMA kay Mendoza, anang mga pulis. At kapag natuloy ang planong extension ni GMA kay Mendoza, ibig sabihin nito lalong lalaganap ang jueteng at KFR cases sa bansa? Ang tanong pa nila.

AL CAPONE

BOSS WALLY

ELLIOT NESS

GENERAL MENDOZA

GMA

ILOCOS REGION

JUETENG

MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with