Bahay ng 2 heneral ng AFP at isang congressman sa Fort Bonifacio, gigibain
November 7, 2001 | 12:00am
Alam nyo bang nakatakda nang gibain ang malalaking bahay ng dalawang heneral ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at isang congressman sa loob ng Fort Bonifacio?
Ayon sa aking bubuwit, 48 days na lang at Pasko na naman.
Happy birthday muna kay Mrs. Roselyn Magsaysay ng Zambales; Teresita Meredeth, Ma. Cristina Almazan, Carmen Indquival, Prince Romeo Gan, Ruffa Rachelle Pinky" Arias at kay Ferdie Lopez Bulan from Lolo Nestor at Lola Nenita Papa.
Alam nyo bang squatters pala sa Fort Bonifacio ang dalawang heneral ng AFP at isang congressman?
Ayon sa aking bubuwit, bukod sa mga active officers at retired officers ng AFP, meron pang tinatayang 2,000 squatters ngayon sa loob ng Fort Bonifacio. Ang mga ito ay nagtayo ng malalaking bahay at mga barung-barong sa 118 ektarya ng lupa sa Military Shrine Services (MSS).
Bagamat iprinoklama ni President Gloria Macapagal-Arroyo noong Mayo na bibigyan ng lupa ang mga deserving squatters sa nasabing lugar, marami naman ang nagsulputan at nagtayo ng mga bahay. Ang dahilan, sila ay nagbibigay ng P5,000 sa isang lider sa nasabing lugar at hinihingan pa sila ng P100 membership fee kuno.
Dahil sa ganitong gawain ng sindikato, lumaki ang bilang ng mga squatters sa Fort Bonifacio.
Ayon sa aking bubuwit, mabigat ngayon ang problema ni Col. Felipe Pilapil, Chief ng Philippine Armys Task Force Bantay (TFB) dahil ayaw nang umalis ang mga squatters. Ang matindi pa rito, karamihan ngayon sa mga nakatira roon ay kapwa niya mga sundalo. Kabilang nga ang dalawang heneral at isang congressman.
Problema rin ito ni Taguig Mayor Freddie Tinga. Ang Fort Bonifacio ay sakop ng Taguig.
Ang matindi pa rito ang iba pang residente ngayon doon na dating sundalo, dating mga pulis, mga ex-convicts, mga drug pushers, carnappers at gunrunners ay nagbantang lalaban nang patayan kung gigibain ang kanilang mga bahay.
Pero, ayon sa aking bubuwit, determinado si Col. Pilapil, Mayor Freddie Tinga, at Taguig Police Chief Supt. Reynaldo Fernando na ipatupad ang order na gibain ang tahanan ng mga squatters.
At ayon sa aking bubuwit, ang dalawang heneral ng AFP na diumanoy squatters sa loob ng Fort Bonifacio ay kinabibilangan nina Gen. C., at Gen. J. samantalang ang congressmang squatter ay si Congressman D.
Ayon sa aking bubuwit, 48 days na lang at Pasko na naman.
Happy birthday muna kay Mrs. Roselyn Magsaysay ng Zambales; Teresita Meredeth, Ma. Cristina Almazan, Carmen Indquival, Prince Romeo Gan, Ruffa Rachelle Pinky" Arias at kay Ferdie Lopez Bulan from Lolo Nestor at Lola Nenita Papa.
Ayon sa aking bubuwit, bukod sa mga active officers at retired officers ng AFP, meron pang tinatayang 2,000 squatters ngayon sa loob ng Fort Bonifacio. Ang mga ito ay nagtayo ng malalaking bahay at mga barung-barong sa 118 ektarya ng lupa sa Military Shrine Services (MSS).
Bagamat iprinoklama ni President Gloria Macapagal-Arroyo noong Mayo na bibigyan ng lupa ang mga deserving squatters sa nasabing lugar, marami naman ang nagsulputan at nagtayo ng mga bahay. Ang dahilan, sila ay nagbibigay ng P5,000 sa isang lider sa nasabing lugar at hinihingan pa sila ng P100 membership fee kuno.
Dahil sa ganitong gawain ng sindikato, lumaki ang bilang ng mga squatters sa Fort Bonifacio.
Problema rin ito ni Taguig Mayor Freddie Tinga. Ang Fort Bonifacio ay sakop ng Taguig.
Ang matindi pa rito ang iba pang residente ngayon doon na dating sundalo, dating mga pulis, mga ex-convicts, mga drug pushers, carnappers at gunrunners ay nagbantang lalaban nang patayan kung gigibain ang kanilang mga bahay.
Pero, ayon sa aking bubuwit, determinado si Col. Pilapil, Mayor Freddie Tinga, at Taguig Police Chief Supt. Reynaldo Fernando na ipatupad ang order na gibain ang tahanan ng mga squatters.
At ayon sa aking bubuwit, ang dalawang heneral ng AFP na diumanoy squatters sa loob ng Fort Bonifacio ay kinabibilangan nina Gen. C., at Gen. J. samantalang ang congressmang squatter ay si Congressman D.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended