Ang namalas ng taumbayan sa Senado ay nagmula sa mga pahayag ni Ador Mawanay, matapos nitong ibunyag ang mga nagaganap sa PAOCTF na nooy pinamumunuan ni Lacson.
Inilabas naman ng ISAFP si Danny Devnani na nagbigay ng kanyang pahayag sa mga nalalaman niya sa kidnapping at drug-trafficking na kinasasangkutan din ni Lacson.
Sa paglutang naman ni Rosebud, muli pang lumabas ang umanoy ugnayan ng ilang tiwaling pulis at mga drug syndicates na nauwi pa sa pagkakapatay ng ilang mga Chinese nationals. Tila lumalabas na ang paglutang ni Rosebud upang ibunyag ang kanyang nalalaman ay nang madiskubre nitong ibebenta rin pala umano ng mga tiwaling opisyales ng PNP ang mga nasabat na shabu mula sa mga napatay na drug suspects.
Lumabas naman kamakailan ang isa pang pulis na si SPO2 Rosale Mabini, na tinukoy ni Rosebud bilang Police No. 1 sa nasabing drug flow sa Camp Crame noong 1998. Ang pahayag ni Mabini tungkol sa kaugnayan niya sa mga ilegal na transaksyon ng PNP ay lalo pang nagpatibay sa mga ibinunyag ni Rosebud.
Bagamat nakahanda si Lacson at kanyang mga tauhan na pasinungalingan ang mga akusasyon at linisin ang kanilang mga pangalan, tila mahihirapan nang kumbinsihin ang taumbayan, lalo nat dumarami pa ang mga lumalabas na testigo laban sa kanya.