^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Tigok na ang mga 'multong empleado'

-
Nalulugi ang gobyerno ng daang milyong piso bawat taon dahil sa pagbabayad sa mga casual, emergency at contractual personnel ng iba’t ibang departamento. Bukod sa mga ito, nagbabayad din ang gobyerno nang napakalaki sa mga consultants. Pero kung sasaliksikin, wala naman silang gaanong nagagawa o walang ginagawa. Sila iyong mga tinatawag na "15-30" o mga "ghost employees". Nagrereport lamang kapag araw ng suweldo. Inilagay lamang sa posisyon kunwari at presto, makakukubra na ng suweldo. Isang dahilan para malugi ang gobyerno. Sa halip na mapunta sa taumbayang nagbabayad ng buwis ay sila ang sumisipsip. Maraming "ghost employees" at karamihan sa mga ito ay pinsan at kapatid ng pinuno ng government agency.

Pero matatapos na ang pamamayagpag ng mga "multong empleado". Ito ay kapag naaprubahan ang batas na magbabawal sa pagkuha ng mga kung anu-anong empleado ang isang government agency. Ang batas na nakapaloob sa proposed 2002 budget ay iniakda ni Rep. Rolando Andaya (Lakas, Camarines Sur). Tapos na ayon kay Andaya ang paninipsip ng mga ghost employees. Si Andaya ang chairman ng House appropriations committee. Hahalungkatin na rin ang mga report batay sa nakasaad sa Sec. 53 ng appropriations bill na nag-uutos sa mga cash department, bureau, office at ahensiya na isumite ang semestral report ng mga "casual, emergency at contractual personnel. Nararapat nakalagay sa report ang itemized na sinusuweldo (kung buwanan o arawan) ng personnel.

Okey ang batas na ito. Makatutulong para maputol na ang paninipsip ng mga "multong empleado" at mga ahensiyang nagbigay sa kanila ng pagkakataong manlinlang sa gobyerno. Matatapos na ang kanilang pamamayagpag at pagsasamantala. Sa kahirapang dinaranas ng bansang ito, dapat nang wakasan ang mga katiwalian. Kung hindi magkakaroon ng political will ang mga pinuno, hindi uunlad ang bansang ito. Ang kaban ng bayan ay sisipsipin lamang ng mga tiwali.

Minsan na namang inulit ni President Gloria Macapagal-Arroyo ang paglaban niya sa graft and corruption, sa kanyang pagsasalita sa Foreign Correspondents’ Club sa Hong Kong noong Lunes sa pagdalaw niya roon. Ang pagdurog sa corruption ay isa umano sa mga policy ng kanyang administration.

Maraming dapat linisin sa gobyerno. Kailangang maputol ang ugat bago ang sanga. Maniniwala lamang ang taumbayan na seryoso ang gobyerno kung makakita ng ebidensiya na ang mga corrupt ay maipakukulong at mabubulok sa bilangguan. Kung hindi, never na makumbinse ang taumbayan.

vuukle comment

CAMARINES SUR

FOREIGN CORRESPONDENTS

HONG KONG

MARAMING

PERO

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

ROLANDO ANDAYA

SI ANDAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with