Sa sitwasyong iyon, nanghimasok si Mike at ibig lang nilang ipa-blotter ang insidente. Hinarap naman ni Bert si Mike at sinabing walang press, press, mag sampu pa kayo," sabay utos sa desk sergeant na irekord ang mga inaasal ni Mike at Jim.
Nagallit si Mike at naging mainit ang naging sagutan nila ni Bert. Hanggang sabihin ni Mike na masyado kang abusado, alisin mo yang baril mo at magsuntukan na lang tayo. Ah ganoon sagot naman ni Bert at biglang hinataw si Mike ng kanyang baril. Bumagsak sa sahig si Mike at nang tangkang tatayo, sinuntok hanggang bumulagta. Binalingan ni Bert si Jim at pinapipirma sa police blotter na nagpapakitang si Mike ang naghamon. Walang nagawa ang nangangatog na si Jim kundi isulat ang kanyang pangalan. Dinala ni Jim sa ospital si Mike ngunit namatay din ito.
Kinasuhan ng homicide si Bert dahil sa pagkamatay ni Mike. Sa paglilitis, si Jim ang tumestigo at sinalaysay ang lahat ng kanyang nasaksihan. Upang patunayan ang kuwento niya iniharap at pinadinig ni Jim ang tape recorder kung saan nai-tape niya ng buong pangyayari at ang away nina Mike at Bert.
Kinontra ito ni Bert. Sinabi niyang si Mike ang nag-umpisa ng away. Hindi raw totoo ang salaysay ni Jim. Hindi raw dapat tanggapin ang tape recorder bilang ebidensiya dahil itoy labag sa Anti-Wire Tapping Act, na nagbabawal ng pagkuha ng tape na usapan ng walang pahintulot ng mga nag-uusap. Tama ba si Bert?
Mali. Pinagbabawal ng Anti-Wire Tapping Act ang pagkuha ng tape ng pag-uusap na pribado. Sa kasong ito ang pag-uusap at away nina Mike at Bert ay nangyari sa police station na isang publikong lugar. Maraming ibang tao at mga pulis ang na roon pati na ang desk officer. Ang tape recorder ay napatunayang totoo rin. Si Jim mismo na siyang nagrekord ng pag-uusap ang tumestigo ay sinabing yon ang nakuha niya sa pag-uusap at ang mga boses doon ay kina Mike at Bert. At ang tape na itoy nagpatunay ng kanyang salaysay sa pagkamatay ni Mike. Si Bert ay nagkasala ng homicide at makukulong mula walong taon hanggang 14 na taon, walong buwan. (Navarro vs. Court of Appeals G.R. No. 121087 August 26, 1999)