^

PSN Opinyon

Nag-iisa si Poldo

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
Si Poldo ang paborito ko sa mga kabataan sa nayon. Siya ay 15 taong gulang. Hindi siya gaya ng ibang bata sa nayon. Siya ay uliran sa kilos at gawa. Mahiyain kung nasa maraming tao ngunit matabil kapag kaming dalawa na lamang.

Napahinto siya sa pag-aaral dahil sa kahirapan. Ang dalawang nakatatanda niyang kapatid ang nagpatuloy sa pag-aaral. Siyempre, ang kasunduan ay pag-aaralin siya ng mga kuya kapag nakatapos ang mga ito.

Kaya ni Poldo ang lahat ng gawain sa bukid. Magaling mag-araro, mahusay mangisda at manghuli ng ibon.

Nahilig akong makisama sa kanya dahil para bagang nagiging bata rin ako. O siguro naaaliw ako sa mataas niyang pagkilala sa akin. Tuwang-tuwa siya pag inaabutan ko ng mababasang magasin.

"Akin na ho ba ito?"

"Oo."

Sa tuwing malalaman ni Poldo na nasa nayon ako, manghuhuli ito ng pugo at ibibigay sa akin. Alam niyang paborito ko ang piniritong pugo.

Ang isang pangyayaring hindi ko malilimutan ay nang idaos ang eleksyon ng kapitan ng barangay. Kami ni Poldo ay nagkukuwentuhan. Nauwi ang usapan sa kung ano ang mga katangian ng isang kapitan ng barangay at biglang naibulalas ni Poldo, "Kayo ang gusto kong ibotong kapitan ng barangay."

"Hindi ako kandidato at ikaw ay hindi makaboboto dahil 15-anyos ka lamang. Isa pa ay sekreto ang halalan, hindi taasan ng kamay."

Ngumiti lamang si Poldo. Hindi ko alam kung paano niya ginawa ngunit nang bilangin ang mga boto, may kaisa-isang bumoto sa akin sa pagka-kapitan ng barangay. Alam kong kay Poldo iyon.

vuukle comment

ALAM

ISA

KAYA

MAGALING

MAHIYAIN

POLDO

SI POLDO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with