^

PSN Opinyon

Mga "terorista" ng kalikasan

- Al G. Pedroche -
Nasisindak tayo sa problema ng terorismong sumasaklot sa buong daigdig.

Pero bago pa man maganap ang trahedya sa New York noong September 11, 2001, malaon na tayong nilalapastangan ng mga "teroristang" sumisira sa kalikasan. Madalang itong napag-uukulan ng pansin sa media kaya bayaan n’yong pag-ukulan ko ng panahon.

May ipinadalang press release sa akin ang Department of Environment and Natural Resources na nakababahala. Mas nakasisindak kaysa banta ng biological o chemical warfare.

Ito’y tungkol sa P88 milyong halaga ng "ozone depleting substances" na nakalusot sa ating bansa porke pinahintulutan ni dating Environmental Management Bureau Director Peter Anthony Abaya ang walong kolorum na kompanya na angkatin ang naturang mapaminsalang substance.

Marami na sa atin ang ozone conscious. At sa bilis ng pagkabutas ng ozone layers as a result of harmful gases and substances na mula sa pollution, painit na nang painit ang panahon na nagdudulot ng sari-saring kapinsalaan sa kapaligiran pati na sa tao.

Batay sa mga dokumentong napasakamay ng DENR, pinayagan ni Abaya ang mga kolorum na kompanya na umangkat ng 1,500 metrika tonelada ng chloroflourocarbon sa halagang $1.30 o P58.50 bawat kilo sa lumang palitan na P45 sa bawat dolyar. Eh biglang bumagsak ang halaga ng piso kaya tubong lugaw agad ang mga kompanyang ito.

Ayon sa miyembro ng Ozone Depleting Substance (ODS) Technical Working Group ng DENR na si Roger Birosel, kung ibinenta sa local consumers ang substance sa halagang $5.20 bawat kilo (P234 sa kasalukuyang palitan), tumubo sila ng $3.90 o P 175 bawat kilo. Kaya tinatayang sa kabuuan, ang mga naturang kompanya ay kumita ng P263 milyon.

Si Abaya ay appointee ni dating DENR Secretary Ceriles.

Ang mga sinasabing kompanya na pinayagang umangkat ni Abaya ay ang Arrow Merchandising, Canadian Asian Enterprise, Elite Adjusters and Surveyors, Imperial Sea Corporation, Maris Marketing Corporation, Shezura Marketing, Vines Realty Corp., at Fedayeen Trading.

Sa magkanong dahilan kaya binigyan ng import allocation at clearance ang mga kompanyang ito?

Batay sa dokumento, ang clearance at import allocation ay ibinigay mula Agosto hanggang Disyembre ng nakaraang taon pero nito lamang Enero 9, 2001 ipinalabas ang kanilang registration. Sa madaling salita, sila’y mga kolorum nang payagang makapag-angkat ng kuwestyonableng kalakal.

Ang naturang substance na CFC-12 ay pinakamababang-uri at pinakamurang CFC na ginagamit na gas sa mga airconditioner at refrigerators. Ito’y bawal nang gamitin dahil nakapipinsala sa ozone layers.

Sana sa ilalim ng pamumuno ni DENR Secretary Heherson Alvarez, hindi na maulit ang ganitong mga katiwalian.

ABAYA

ARROW MERCHANDISING

BATAY

CANADIAN ASIAN ENTERPRISE

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

ELITE ADJUSTERS AND SURVEYORS

ENVIRONMENTAL MANAGEMENT BUREAU DIRECTOR PETER ANTHONY ABAYA

FEDAYEEN TRADING

IMPERIAL SEA CORPORATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with