^

PSN Opinyon

Hindi kidnappers lamang!

KRUSADA - Dante L.A.Jimenez -
‘‘Dura Lex, Sed Lex.’’ Ang batas ay batas kahit masakit tanggapin.

Para sa mga biktima ng karumal-dumal na krimen na kagagawan ng mga nasa death row convicts, ang desisyon ni President Gloria Macapagal-Arroyo na mga kidnappers lamang ang papatawan ng parusang kamatayan ay nakapanghihina ng loob at hindi makatarungan.

Totoo nga na ang pagdukot sa mga negosyanteng Intsik at iba pang mga mayayamang mamamayan ay karumal-dumal at hindi dapat na magpatuloy pa ngunit paano naman ang biktima ng mga drug lords, rapist at iba pa?

Naalarma ang ating pamahalaan sa pagdami ng mga kidnapping cases dahil mga mayayaman at maimpluwensiyang tao ang nabibiktima. Sa kahilingan ng Filipino-Chinese community, binigyan ng pamahalaan ng kaukulang solusyon ang lumalalang problema. Ang pananaw naman ngayon ng taumbayan, inakalang pro-Chinese at pro-rich talaga ang pamunuan dahil sa desisyong ginawa ni GMA.

Mahigit 95 kidnappers ang nasa death row at naghihintay ng hatol ng Korte Suprema. Maliit ang bilang na ito kumpara sa mahigit 1,200 na nasa death row, para sa mga kasong murder, rape at drug trafficking na kung titingnan ay mas karumal-dumal at makahayop na krimen.

Bakit naman mga kidnappers lang ang namumukod-tangi sa iyong listahan, Madame President? Hindi ba’t ang lahat ay pantay-pantay sa ilalim ng batas, na siya ring nag-aatas sa pamahalaan na bigyan ng pantay-pantay na proteksyon ang bawat isa?

Ang batas ay batas, Madame President. Kung paiiralin din lamang muli ang parusang kamatayan, ang lahat ng mga biktima ng karumal-dumal na krimen ay dapat naman mabigyan ng pare-parehong hustisya, at hindi ang iilan lamang.

Matagal nang naghihintay ng hustisya ang marami sa mga biktima ng mga nasa death row ngayon. Ito ba ang kapalit ng kanilang paghihirap at paghihintay ng maraming taon upang makamit ang tunay na hustisya? Ito ba ang uri ng hustisya na kanilang pinaghihirapan? Sana’y mag-isip naman ang mga kinauukulan.

BAKIT

DURA LEX

FILIPINO-CHINESE

INTSIK

KORTE SUPREMA

MADAME PRESIDENT

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SED LEX

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with