^

PSN Opinyon

Games shows ang gamot para malimutan ang takot

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
Mahigit isang buwan na ang nakalilipas mula nang atakihin ng mga terorista ang Amerika subalit mainit na mainit pa ang isyu. Marami ang sumuporta sa Amerika para lipulin ang mga terorista at mga nagkakanlong sa kanila.

Pinaulanan ng missiles ang Afghanistan na kinaroroonan ng Taliban government na kumukupkop kay Osama bin Laden. Determinado ang Amerika na mahuli si Osama bin Laden. Maraming bansa ang nagnanais na mapuksa si Bin Laden upang mawala ang kamandag ng terorismo.

Isa ang Pilipinas sa mga nagpahayag ng suporta at pakikiramay sa Amerikano. Siyempre naman. Mahal yata natin ang Kano. Kaya ayan, napasubo na tayong mga Pinoy. Hindi lang mga lokal na terorista ang kinakalaban natin ngayon kundi international terrorists na. Hitsura lang ng mga Abu Sayyaf?

Dahil sa ipinakikita ng pagiging malapit sa mga Kano, marami ang natatakot na buweltahan tayo ng mga kampon ni Bin Laden. Dito lang sa anthrax, nanginginig na kaagad ang tumbong natin. Mayroon nang ayaw tumanggap ng mga sulat ngayon pagkat baka may anthrax. May ayaw nang gumamit ng pulbos. Baka pati Johnson Baby powder, malugi dahil sa anthrax syndrome.

May ayaw nang manood ng mga nakatatakot na mga pelikula at mga TV shows. Mabuti at nauso ngayon sa TV ang mga bagong shows na katulad ng ‘‘Who wants to be a millionaire,’’ ‘‘The Weakest Link’’ at ‘‘Game KNB?’’ Sa panonood ng mga game shows, nalilimutan ang takot. Naaaliw na, baka manalo pa ng pera.

ABU SAYYAF

AMERIKA

AMERIKANO

BIN LADEN

DAHIL

JOHNSON BABY

KANO

OSAMA

WEAKEST LINK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with