Si Sta. Josephine Bhakita (Unang serye)
October 19, 2001 | 12:00am
Si Josephine Bahkita ay isang African na kinanunisahan ni Pope John Paul II bilang isang santa noong Oktubre 1, 2000. Idineklara siya ng Pope bilang pandaigdigang santa na maaaring pakitunguhan ninuman. Si Sta. Josephine Bahkita ay ipinanganak sa Sudan, Africa noong 1869. Namatay siya bilang isang relihiyosa o madre ng mga Canossian Sisters sa Schio, Italy noong Pebrero 8, 1947. Na-beatipikahan siya ni Pope John Paul II noong Mayo 17, 1992 sa Rome.
Tinawag siya ng Pope bilang isang santa para sa ikatlong milenyo. Siya ay tinaguriang pandaigdigang santa sapagkat sa kabila na siya ay isang Africana, minahal siya ng mga Italyano. Natuwa ang mga Italyano nang siyay namuhay doon. Naakit sa kanya ang mga bata. Nabuhay siya noong panahon ng World War I at II. Ang mga sundalo noon ay nakatagpo sa kanya ng kaginhawahan sa pamamagitan ng pakikitungo at pakikipag-usap niya sa mga ito. Ang mga ina ay natulungan ng kanyang mga payo at pati na rin ang mga pari. Nagpamalas siya ng isang espesyal na paggalang sa mga kaparian.
Bilang isang relihiyosa o madre, isinabuhay niya ang karalitaan. Napakasimple ng kanyang naging pamumuhay. Alam niya kung ano ang maging mahirap. Siya ay naging alipin noong kanyang kabataan. Ipinagbili siya bilang alipin at nagkaroon ng apat o limang ibat ibang amo. Siya ay inabuso at pinahirapan. Datapwat ang lahat ng ito ang nagbigay sa kanya ng isang puso para sa mga mahihirap.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended