^

PSN Opinyon

Sour graping si Ping

- Al G. Pedroche -
Akusasyon kontra akusasyon. Dumi kontra dumi. Iyan ang ibinabato sa isa’t isa ng ilang opisyal ng ating gobyerno.

Sa harap ng mga pangyayaring ito, ang impresyong nalilikha sa isip ng taumbayan ay wala nang matinong opisyal sa ating pamahalaan.

Sa palagay ko’y meron pa. Dangan nga lang at hindi makagalaw nang maayos ang mga matitinong ito dahil nga sa umiiral na political bickerings sa ating pamahalaan.

Ang pinakahuling bomba ay ang pinasabog ni Sen. Panfilo Lacson. Sa kaniyang privilege speech sa Senado kamakailan ay pinaratangan niya ang First Gentleman Mike Arroyo na gumamit ng P250-milyon mula sa PR fund ng Philippine Charity Sweepstakes Office para tustusan ang kampanya ng ilang senatorial candidates na "manok" ng administrasyon noong nakalipas na May elections.

Gusto kong maging neutral sa usaping ito. I’d like to give Lacson the benefit of the doubt. Baka nga may mga katibayan siya that should merit a full dressed probe upang ang nagkasala’y matukoy at mapatawan ng parusa.

Pero totoo man o hindi ang kanyang akusasyon, parang walang kredibilidad. Bakit? Dahil si Lacson ay pinararatangan din ng kung anu-anong katiwalian na sa katunaya’y iniimbistigahan mismo ng Senado.

Naunang binanatan ni Ping si Justice Secretary Nani Perez na umano’y mayroon ding limpak-limpak na milyong dolyares mula sa mga ilegal na transaksyon.

At ngayon nga’y binansagan niyang secretary of the underground si Mike Arroyo porke sangkot din daw sa mga ilegal na transaksyon sa gobyerno.

Sabi pa ni Ping, may mga matitibay siyang pruweba na maaari niyang ilantad.

Puwes, ilantad na niya habang maaga.

Kasi kung hindi’y lalabas na nagbebenggansa siya. Lilitaw na ang kanyang mga akusasyon ay bunsod lang ng political vendetta.

Nadala ng emosyon si Ping. Hindi siya ang dapat gumawa ng pagbubulgar.

Dapat sigurong ginawa niya’y ipinaubaya niya sa ibang tao ang pagbubunyag at nanahimik siya sa isyu. Ang diprensya ay siya pa ang nanguna sa exposé.

Siyempre mawawalan ng bigat ang akusasyon niya because he has an axe to grind against the administration.

Pati si Presidente Gloria Arroyo ay natataranta na.

She made a renewed call to government officials for a moratorium on political bickerings. But I really doubt
kung ang panawagang ito ng Pangulo’y pagbibigyan.

Sa tingin ko’y masyado nang deeply-rooted ang masamang karakter na ito sa ating pamahalaan.

Magmula pa noong panahon ni Presidente Cory naririyan na iyang mga political wars na iyan. Noong panahon ni Marcos, kayang-kaya niyang isuheto ang kanyang mga opisyal dahil siya’y diktador.

Sa takbo ng mga pangyayari, parang tayong mga Pilipino’y hindi pa handa sa tunay na demokrasya.

Hindi natin alam ang kaakibat na responsibilidad ng bawat Pilipinong pinagkakalooban ng malawak na kalayaan.

Ayaw ko namang magbalik sa diktadurya at marahil gago na lamang ang magsasabing iibigin niyang magpailalim sa awtoridad ng isang absolute ruler.

Pero kailan pa tayo matututo? Ibig kong sabihin kailan pa matututo ang bawat opisyal na umuugit sa ating pamahalaan na walang inatupag kundi wasakin ang isa’t isa and in the process, taumbayan ang nagdurusa? Sila. Sila ang tunay na terorista!

BUT I

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

JUSTICE SECRETARY NANI PEREZ

LACSON

MIKE ARROYO

PANFILO LACSON

PERO

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

PRESIDENTE CORY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with