Si Pedro, na isang makasalanan, ay umamin sa kanyang pagkakasala. Si Saul na nagpahirap at umusig sa mga Kristiyano, ay isiniwalat na siya ang pinakamalaking makasalanan. Ganoon din si Agustin.
Pakinggan si Jesus at kanyang mga babala laban sa Corazin, Betsaida at Capernaum. Mapagpakumbabang pakinggan ang mga babala na maaari ring para sa atin (Lk. 10:13-16).
"Kawawa ka, Corazin! Kawawa ka, Betsaida. Sapagkat kung sa Tiro at Sidon ginawa ang mga kababalaghang ginawa rito sa inyo, disin sanay malaon na silang nagdaramit ng sako at nauupo sa abo upang ipakilalang silay nagsisisi. Sa araw ng Paghuhukom, higit na mabigat ang kaparusahan ninyo kaysa kaparusahan ng mga taga-Tiro at taga-Sidon.
At ikaw, Capernaum, ibig mong mataas hanggang sa langit? Ibabagsak ka sa Hades! Ang nakikinig sa inyoy nakikinig sa akin, ang nagtatakwil sa inyoy nagtatakwil sa akin, at ang nagtatakwil sa akin ay nagtatakwil sa nagsugo sa akin.
Sinasabi sa atin ni Lukas na ang pagpapahayag ng paghahari ng Diyos ay humihingi sa tagapagpahayag na manawagan ito na magsisi ang mga tao. Ito ang ginawa ni Jesus. Pakinggang mabuti. Mapagpakumbabang makinig. Yaong mga makakarinig kay Jesus ay nagsisisi. Yaong mga nakikinig kay Jesus ay nakikinig sa Amang nagsugo rito.