^

PSN Opinyon

Extension ng 21 PNP generals nilalakad sa Kongreso

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
Nagngingitngit sa galit ang mga junior officers ng Philippine National Police (PNP) sa plano ng mga nakaupong heneral na pahabain pa ang kanilang termino dahil sa kakulangan ng PNP ng P14 bilyon na pondo para sa kanilang retirement benefits. Nakarating sa kaalaman ng mga junior officers na nilalakad ng mga nakaupong heneral sa Kongreso na bigyan sila ng apat na taong extension.

Hindi naniniwala ang mga junior officers ng PNP sa mga dinami-daming patutsada ng kanilang mga superior officers. Anila ang bottomline dito sa kagustuhan nilang mapanatili sa puwesto ay dahil ‘‘nasarapan’’ o nasilaw sila sa kapangyarihan. He-he-he! Ang gulo n’yo diyan sa PNP! Kung sabagay, talamak na ang operasyon ng jueteng sa buong bansa at mukhang sa PNP ay may nakikinabang. Di ba Boss Wally?

Sa susunod na taon, may 21 heneral ng pulisya, kabilang na si PNP Chief Director Gen. Leandro Mendoza, ang magreretiro sa puwesto. At kapag tuluy-tuloy ang pagretiro nila, ibig sabihin nito mabibigyan ng pagkakataon ang lahat ng junior officers para ma-promote at ilabas ang kanilang kakayahan para maiahon ang masamang imahe ng PNP. Pero dahil sa planong extension ng mga magreretirong heneral ang pag-asa ng mga junior officers ay mauuwi sa wala. ‘Ika nga, magiging bangungot na lamang ang kanilang mga pangarap.

Ang gustong mangyari ng mga magreretirong heneral ay i-amend ng Kongreso ang PNP law at bigyan nga sila ng extension. Pero ang masaklap dito, Kapag nakuha na nila ang kani-kanilang benepisyo sa kanilang pagreretiro, ibabalik na namang muli ang retirement age ng opisyal ng pulisya sa 56. Ano ba ’yan?

At hindi lang ’yan. Nanawagan din ang mga officers kay Mendoza na itigil na itong hindi makatarungang pag-promote ng opisyales ng PNP. Hinihiling din nilang bigyan ng puwesto ang mga tinatawag na ‘‘floating generals‘‘ para magkaroon na ng reconciliation sa PNP at maalis na ang tinatawag na gantihan.

Ang example ng mga junior officers ay ang promotion kamakailan ni Director Nestorio Gualberto, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG). Tinawag nilang unconstitutional ang promotion ni Gualberto dahil ang posisyon nito ay para sa one-star general lang. Anila, dapat sibakin na sa puwesto si Gualberto.

Lalong magkakawatak-watak ang PNP kung hindi ireretiro ni GMA si Mendoza at ang grupo nito. At hindi nalalayong lalong madagdagan ang demoralisasyon sa PNP kapag nanatili pa ang mga magreretirong heneral sa puwesto.

vuukle comment

ANILA

BOSS WALLY

CHIEF DIRECTOR GEN

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DIRECTOR NESTORIO GUALBERTO

GUALBERTO

KANILANG

OFFICERS

PNP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with