Isa sa pinakaligtas na paraan para huwag mabuntis si Misis ay ang paggamit ni Mister ng condom. Mabisang proteksiyon din ang condom sa mga sexually transmitted diseases (STD) at AIDS. Hindi na kailangan ang doctors prescription sa pagbili ng condom sa mga drug stores. Sa mga gumagamit ng condom ipinapayo ni Dr. Pascual na dapat ay hindi ito butas o expired.
Ang diaphram ay hindi na gaanong ginagamit ngayon. Naiirita nito ang matris na nagiging sanhi ng pagkakaroon ng kanser. Sinabi ni Dr. Pascual na anumang nagdudulot ng constant irritation and chronic wound ay maaaring maging dahilan ng cancer sa cervix.
Ang tubal ligation ay ang paggupit o pagtali ng fallopian tube ng babae para hindi mabuntis. Itoy operasyon na ginagawa ng OB-Gyne.
Si Dr. Pascual ay dating presidente ng Philippine Medical Association at kasalukuyang presidente ng Private Hospital Association of the Philippines, Philippine College of Gerentology and Geriatricas Inc. at National Federation of Womens Clubs of the Philippines.