^

PSN Opinyon

Ang Pearl Harbor ng Milenyo

KAPAG MAY KATWIRAN - KAPAG MAY KATWIRAN ni Jopet Sison -
Ang sabi sa CNN TV News, ito na raw ang Pearl Harbor ng milenyo. Ang bilang ng mga namatay, nasaktan, at halaga ng mga nasira ay mas grabe pa raw sa Pearl Harbor. Dalawang eroplanong na-hijack ang sumalpok sa dalawang building ng World Trade Center (WTC). Ang dalawang gusali na may 110 palapag bawat isa ay nag-collapse. Isa pa uling eroplano ang sumalpok sa Pentagon. Ang mga tinamaang lugar, New York at Washington, ay financial at political center ng US. Kinukunsidera ng US na ito ay acts of war.

Dahil sa trahedyang ito, maraming mga pangyayaring susunod ang magtatakda sa kasaysayan ng buong mundo. Ang buhay ng iba’t ibang mamamayan ng iba’t ibang bansa, kasama ang Pilipinas ay siguradong maaapektuhan. At ang pinagmulan ay kagagawan ng ilang mga panatiko na hindi man lamang natin malaman ang tunay na intensiyon.

Nakakabagabag din ang mga proklamasyon ni US President Bush nang sabihin niyang paparusahan niya ang mga may kagagawan nitong trahedyang ito, kasama na ang mga bansang coddlers nila. Parang malawak masyado ang mga sakop ng proklamasyon na baka mga inosenteng tao ay madamay. Tandaan natin na ang isang mali ay hindi matatama ng isa pang mali. Hindi porke’t may mga inosenteng namatay sa Amerika ay may karapatan na rin silang mandamay ng inosente sa ibang bansa. Ito ang maaaring pagmulan ng Ikatlong digmaang pandaigdig, ang marahas na bawian ng mga bansang nasasangkot.

Ang nakatatakot ngayon ay atomic at nuclear na ang usapan. At sa lakas ng mga armas na ito, siguradong apektado pati inosente. Naalala ba ninyo ang Hiroshima? Sa ngayon, patuloy tayong magdasal para sa matino at maka-diyos na desisyon ng mga pinuno. Ang lakas ng Maykapal pa rin ang pinaka-mananaig.

AMERIKA

DAHIL

DALAWANG

IKATLONG

ISA

NEW YORK

PEARL HARBOR

PRESIDENT BUSH

WORLD TRADE CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->