Hinagpis ng Marcos loyalist
September 10, 2001 | 12:00am
Cynthia Gabinay ang pangalan niya. Masugid na taga-suporta ng mga Marcos na ngayoy dahop at kalunus-lunos ang kalagayan.
Pinuntahan niya ako last week sa PSN editorial office. Humihingi ng tulong na maipaabot ang kanyang karaingan sa son-in-law ng yumaong dating Pangulong Marcos na si Greggy Araneta.
Aniya sa akin, sapul nang Presidente pa si Marcos hanggang sa mapatalsik ito sa puwesto, at hanggang sa pagkandidato ni dating unang ginang Imelda Marcos sa pagka-pangulo ay masugid na siyang suporter.
Maginhawa raw ang buhay ni Cynthia noong araw dahil engaged siya sa import-export business. Ngunit dahil sa kanyang maalab na paghanga sa mga Marcos, maging ang sarili niyang peray ginagastos niya.
Kapag may rally at kailangang maghakot ng crowd, siya ang gumagastos sa sasakyan at pagkain ng mga tao.
Nang kumandidato raw si Mrs. Marcos sa pagka-presidente namuhunan siya ng P50,000 para sa mga sombrerong may "Imelda Marcos for President" pero ang nabayaran lamang sa kanya ay P3,000.
Ang ilan daw "loyalista" na kasama ni Cynthia ay binigyan ng munting office space sa terminal ng Auto Bus na pag-aari ni Greggy Araneta.
Pero ngayon daw, itinataboy na sila ng management ng naturang kompanya. Wala daw kaabug-abog ay inilabas sa opisina ang kanilang mga gamit tulad ng mesa, cabinet at ibang office equipment.
Kaya ito ngayon ang ipinagdadalamhati ni Cynthia. Maaaring hindi alam ni Greggy ang pangyayari kaya nagbabakasakali si Cynthia na sa pamamagitan ng column na itoy makarating ang kanyang panawagan.
Nagkabaun-baon nga naman sa utang si Cynthia dahil sa kanyang loyalty, ngayoy hindi man lang siya madamayan kahit kaunti ng mga taong pinagsanlaan niya ng kanyang katapatan.
Bulag ang isang mata ni Cynthia at sa ayos niyay halatang naghihikahos siya.
Nag-iwan ng "piece of advice" si Cynthia kay Greggy. Aniyay binubulag si Greggy ng mga taong pinagkakatiwalaan niya ngayon. Ng mga taong nangangasiwa sa kanyang kompanya na sa totoo lang ay "nalulugi" dahil sa mismanagement.
Sa tingin ni Cynthia, siya at ang iba pa niyang kasamahang Marcos loyalists ay napagkaitan ng katarungan.
Aniya kay Greggy: "Give importance to your loyal people who worked and even died for you instead of depending on people who are just manipulating your business for their selfish gains."
Sa pananaw ni Cynthia, ang mga Marcos loyalists ang siya pa ring nagpunyagi, nag-aklas sa lansangan at umapela sa gobyerno para pabalikin sa bansa ang mga Marcos (kasama na si Greggy) na sa loob ng maraming taon ay hindi pinahintulutang makatapak muli sa Pilipinas.
Ewan ko kung makararating ito kay Ginoong Araneta. Pero naniniwala akong may katuwiran si Cynthia at ang iba pang matatapat na tagasunod ng mga Marcos na ngayoy tila yagit nang di napapansin.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended