^

PSN Opinyon

Ang albularyong si Ka Berong

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
Si ka Berong ang pinakatanyag na albularyo sa buong nayon. Pero kakaiba si Ka Berong at hindi iisiping isang albularyo. Napakatahimik kasi at nagsasalita lamang kapag tinatanong. Madalas siyang nasa bukid maghapon. Mas mukha siyang isang tunay na magsasaka kaysa isang albularyo. Madalas siyang naka-suot ng tagpi-tagping lumang kamiseta. Si Ka Berong ay wala pang 50 anyos.

Una kong nabalitaan si Ka Berong dahil sa aming researcher. Pinag-aaralan ng researcher ang sistema ng panggagamot ni Ka Berong.

‘‘Maaari ba nating anyayahan si Ka Berong? Alam kong mainit ang dugo ng mga doktor at albularyo sa isa’t isa.

‘‘Susubukan ko, Doktor,’’ sabi ng aming researcher.

Sabado ang usapan at ang oras ay alas-10 ng umaga. Pero dumating si Ka Berong ng alas-8.

Pagkatapos ng batian ay umupo kami sa dalawang silyang magkaharap.

"Hindi ka ba nangangamba sa pag-uusap nating ito?" tanong ko kay ka Berong.

"Hindi, Doktor. Kung mayroon akong pangamba hindi sana ako dumating,’’ sagot ni Ka Berong.

‘‘Sa akin, marami akong hindi nauunawaan pero naniniwala akong mayroon akong matututunan.’’

‘‘Totoo iyon. Kaya lang, Doktor paghindi ko kaya ang isang sakit ay agad kong pinadadala sa inyong mga doktor. Pero pag hindi ninyo kaya, ni minsan hindi ninyo pinadadala sa amin,’’ sabi ni Ka Berong.

Wala akong maipaliwanag kaya hindi ko siya tinangkang sagutin.

ALAM

BERONG

DOKTOR

KA BERONG

KAYA

MAAARI

MADALAS

PERO

SI KA BERONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with