Pakikipagkapwa o pagnanakaw?
September 4, 2001 | 12:00am
Si Mang Senting ay nakumbinsing magtanim ng makabagong papaya. Marami at malaki ang mga bunga nito at mas maikli ang panahong hihintayin para mamunga. Hindi na kailangang akyatin ang papaya dahil pandak. Pag may bagyo ay hindi nababali ang puno dahil maliit.
Ang isang problemang naranasan ni Mang Senting dahil pandak ang papaya ay madali itong abutin at nakawin. Marami ring nanghihingi ng bunga. Wala nang natitira sa kanya para ipagbili sa palengke.
Pag may nanghihingi, hindi ako maka-hindi. Kapag umaayaw ako ay kukunin din," sabi ni Mang Senting.
Kaya pala nang magtungo ako sa bukid ni Mang Senting ay nakakita ako ng isang lalaking pumitas ng dalawang bunga ng papaya pero hindi sinita. Pinabayaan na lamang ang lalaki.
Bahagi iyan ng pakikiramay at pagbibigay sa kapwa Doktor, sagot ni Mang Senting na nakangiti.
E kailan tinatawag na pagnanakaw ang pagkuha ng papaya?
Madali iyon. Pag kumuha ng papaya na sapat lamang na kainin ng pamilya, iyon ay pakikiramay sa kapwa. Pero pag marami at ang tangka ay ipagbili sa palengke, iyon ay pagnanakaw na.
Pero paano mo malalaman na para lamang sa pamilya at hindi ipagbibili?" tanong ko.
Pag may dalang sako at hindi kayang buhatin iyon ay pagnanakaw.
"Aha, kung ako ay magdadala ng truck para kumuha ng papaya! pasigaw kung sinabi.
Siguradong mahuhuli kayo dahil maliwanag na pagnanakaw ang gagawin nyo.
Ipakukulong kaya ako? pabiro kong tanong kay Mang Senting.
Babarilin na kayo Doktor!"

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest