^

PSN Opinyon

Pagiging matapat hanggang wakas

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
Ang manatiling naninindigan sa ating pananampalataya ay napakahalaga para sa ating mga Kristiyano. Sumunod sa ating buhay, ang pananampalataya ay ang ating pinakamalaking handog. Ang pagkilala sa handog na pananampalataya ay kinakailangan. Ito ay naipakita sa paraan ng pagsasabuhay ng ating pananampalataya o pananalig.

Ang Ebanghelyo ngayon ay tungkol sa talinghaga ng 10 dalaga. Ibinigay sa atin ito ni Mateo (Mt. 25:1-13).

‘‘Dito maitutulad ang pagpasok sa kaharian ng Diyos: May 10 dalagang lumabas upang sumalubong sa lalaking ikakasal. Bawat isa’y may dalang ilawan. Ang lima sa kanila’y hangal at ang lima’y matalino. Ang mga hangal ay nagdala ng kanilang mga ilawan ngunit hindi nagbaon ng langis. Subalit ang matatalino’y nagdala ng langis bukod pa sa nasa kanilang ilawan. Nabalam ng dating ang lalaking ikakasal, kaya’t inantok silang lahat at nakatulog.

‘‘Ngunit nang hatinggabi na’y may sumigaw: ‘‘Narito na ang lalaking ikakasal! Salubungin ninyo!’’ Agad nagbangon ang 10 dalaga at inayos ang kanilang ilawan. Sinabi ng mga hangal sa mga matatalino,‘‘Bigyan naman ninyo kami ng kaunting langis. Aandap-andap na ang aming mga ilawan, e." ‘‘Baka hindi magkasya ito sa ating lahat,’’ tugon ng matatalino. ‘‘Mabuti pa’y pumunta muna kayo sa nagtitinda at bumili ng para sa inyo.’’ Kaya’t lumakad ang limang hangal na dalaga. Samantalang bumili sila, dumating ang lalaking ikakasal. Ang limang nakahanda ay kasama niyang pumasok sa kasalan, at ipininid ang pinto.

‘‘Pagkatapos, dumating naman ang limang hangal na dalaga.‘‘Panginoon, papasukin po ninyo kami!’’ sigaw nila. Ngunit tumugon siya, ‘‘Sinasabi ko sa inyo: Hindi ko kayo nakikilala.’’ Kaya magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam ang araw ni ang oras.’’


Ang langis na nagpapaningas sa liwanag ng pananampalataya ay ang paraan na ating dapat isagawa. Ilan sa mga kaparaanang ito ay: pananalangin, paggawa ng kabutihan sa iba, misyonerong pakikilahok – pagtulong sa iba na matanggap din ang pananampalataya, pag-alay ng ating mga sakripisyo. Ang pagpapatawad sa mga nakagawa sa atin ng pagkakamali ay nagpapaningas din sa ating pananampalataya.

Alin sa mga ito ang inyong isinasagawa? Kayo ba’y isang hangal na dalaga o isang matalinong dalaga?

AANDAP

ANG EBANGHELYO

ATING

BAWAT

BIGYAN

DALAGA

KAYA

NGUNIT

PANANAMPALATAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with