^

PSN Opinyon

Ligawan sa baryo

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
"Paano ka ba niligawan ni Mang Pinong?’’ Tanong ko kay Aling Rosing habang umiinom kami ng sabaw ng buko. ‘‘Baka naman kinindatan ka lang ay sumama ka nang magtanan.’’

‘‘Naku, Doktor, nahirapan si Pinong. Tatlong taon siyang nanligaw at nagtiyaga,’’ sagot ni Aling Rosing.

‘‘Eh, di ang dami mong natanggap na sulat mula sa kanya?’’

‘‘Hindi sulat Doktor kundi mga matalinghagang salita ang kanyang ginamit."

Nagbigay si Aling Rosing ng ilang halimbawa:

‘‘Kung ako’y umakyat sa bayabas,

Hindi kaya ako madulas?’’

‘‘Hindi siguro naman

Kung sa puno ka dadaan.’’

"Kung ako kaya’y magpagulong-gulong

Hindi kaya ako mahulog sa balon?’’


Pagkatapos ng talinghaga ay nakabisita na raw si Pinong kay Aling Rosing.

Ang kasunod ay mga pagsubok sa tiyaga ni Mang Pinong. Kailangan siyang mag-igib ng tubig, magsibak ng kahoy at mag-araro sa bukid.

‘‘Napakabigat naman ’yan."

‘‘Hindi naman, Doktor. Sinusubukan lang ang kanyang tiyaga at pasensiya. Ang katwiran ay simple lang. Kung makapagtitiyaga siya sa paninilbihan tanda iyon na mapagpapasensiyahan niya ako pagkasal na kami. Pati pagsagot ng "oo" ay tatlong taon din bago niya nakamit. Parte rin iyan ng pagsubok.’’

‘‘Parang pinarusahan mo si Pinong."

"Hindi naman Doktor dahil maaari niyang kantiin ang dulo ng aking daliri.

"‘Hindi siya nakahalik?’’

‘‘Hindi Doktor. Noong kasal kami at walang nakakakita saka lamang siya nakahalik.’’

‘‘Naku, patay na pala ang kabayo nang mahalikan ni Pinong ang damo."

ALING ROSING

DOKTOR

HINDI DOKTOR

KAILANGAN

MANG PINONG

NAGBIGAY

NAKU

PINONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with