^

PSN Opinyon

Katarungan para kay Hayashi

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
Isang buwan na ang nakalilipas mula nang patayin ang Japanese harpist na si Tadao Hayashi. Hanggang sa kasalukuyan wala pang nakikitang liwanag sa karumal-dumal niyang pagkamatay. May isang inarestong suspect subalit ibinasura na ng prosecutor ang kaso rito. Walang ebidensiya na makapagtuturo para i-prosecute ang suspect na si Alex Ilagan. Namamana na naman sa dilim ang mga awtoridad at hindi alam kung kailan makatitikim ng katarungan si Hayashi.

Isang malaking kawalan sa daigdig ng musika at sining ang pagkamatay ni Hayashi. Dumating si Hayashi sa Pilipinas noong 1980. Nag-aral siya ng piano sa isang konserbatoryo ng musika sa Japan at natutong tumugtog ng harp. Dati’y mga classical music ang kanyang tinutugtog pero sa kalaunan tumugtog na rin siya ng pop at jazz music. Nagsimulang maging professional artist si Hayashi noong siya’y 16 anyos.

Nauna siyang nagtanghal sa Ramada Hotel at sinundan ng isang sellout concert sa Araneta Coliseum na kasama ang piyanistang Pilipino na si Boy Katindig. Ang mahihilig sa jazz ay humanga sa kanyang bersiyon ng ‘‘Wave’’ ni Jobim. Hinangaan din siyang tumugtog ng classical, Broadway at Original Pilipino Music (OPM). Karaniwan niyang tinutugtog ang ‘‘Dahil Sa Iyo’’ at iba pang walang kamatayang kundiman. Kabilang sa mga hit albums niya ang ‘‘The Best of Tadao Hayashi,’’ ‘‘Standing Room Only’’ at ang ‘‘Tadao’s Christmas Wish.’’

ALEX ILAGAN

ARANETA COLISEUM

BEST OF TADAO HAYASHI

BOY KATINDIG

CHRISTMAS WISH

DAHIL SA IYO

HAYASHI

ISANG

ORIGINAL PILIPINO MUSIC

RAMADA HOTEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with