Panig ni Templo
August 24, 2001 | 12:00am
Patas ako. Kaya bibigyang-daan ko ang sagot ni Horacio Templo, SSS executive vice president na binuko kong sumusuweldo ng P314,416 kada buwan mula sa ating contributions. Mga sipi, isinalin sa Pilipino:
Sapol ako uli. Pero heto ang aking panig.
(1) Lahat ng empleyado sa SSS, rank and file, pareho ang compensation package. Tig-14th month pay kaming lahat, hindi 16th.
(2) Tumatanggap ako ng P5,000 kada buwanang meeting ng Equitable PCI board. Wala akong ibang tinatanggap doon, miski chairman ako ng audit committee dahil ni-nominate ako ni (dating SSS president Vitaliano) Nañagas.
(3) Wala akong ibang board seat na nagbabayad nang mahigit sa per diem ng Equitable-PCI. Ino-nominate sana ako ni Nañagas sa iba pang seats, pero hindi pa ito nagbubunga. Na-elect ako sa board ng Philex dahil kay Nañagas, pero hindi pa ako sumisipot ni isang meeting.
(4) May board seats si Nañagas na hindi mo nasulat. Sa pagkakaalam ko, sumasahod siya ng per diem doon na di niya sinosoli sa SSS. Pabulaanan niya ito kung kaya. Idaan sa parehong pagsisiyasat lahat ng opisyal-gobyerno.
(5) Kaipokrituhan kung sabihin kong hindi ito kailangan ng extrang kita. Pero payag akong isoli ang kita ko sa board seats P10,000-15,000 kada buwan. Memohan lang ako ng SSS president.
Dapat pa ring sagutin si Templo. Hindi suweldo ang isyu, bagamat maraming nagulat na mas mataas ang sahod niya kaysa presidente ng SSS (P100,000) o Presidente ng Republika (P25,000). Ang isyu ay husay sa trabaho, tulad ng pag-alaga sa interes ng SSS members sa mga kompanya na binilhan ng bilyon-pisong shares. Bagsak na ang halaga ng SSS shares sa Equitable-PCI. Lugi na tayo. Si Templo lang ang kumikita ng P5,000 kada upo. May P10,000 pa sa ibang boards. Tapos, naghihintay pa siya ng memo para makisimpatya raw sa mga retiradong tumatanggap lang ng P3,000 pension.
Kung may lihim na per diem si Nañagas o iba pang opisyal, e di ibunyag ni Templo. Ginagatasan nila tayong SSS members at taxpayers. Erap cronies ang nakinabang sa ilalim ng mga pabayang SSS manager.
Lumiham sa Pilipino Star NGAYON o sa [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am