Kaya ko nasabing naghahanda na si Mayor Abalos dahil sa pagtatag niya ng City Hall detachment ng pulisya na sa tingin ng kanyang kritiko ay isang hakbang para lalong mapalakas at mabigyan ng ngipin ang kanyang mga private army. Sa tingin ng taga-Mandaluyong, hindi na kailangan ang City Hall detachment dahil nandiyan naman ang mga pulis. Pero itong bagong grupo umano ay maaaring magsilbing tando-tando na gamitin ni Mayor Abalos laban sa mga supporters ng kanyang kalaban sa pulitika.
Nagkaroon kasi ng leksiyon itong si Abalos dahil hindi sinunod ng pulisya noong mga nakaraang taon ang utos niya na supilin ang mga aktibidades ng kanyang kalaban.
Kaya itong City Hall detachment ang magsisilbing utusan niya sa mga dirty tricks niya sa pulitika, ayon sa mga nakausap kong taga-Mandaluyong. Hindi nalalayo na ang mga pulis-Mandaluyong ay masapawan na ng mga private army ni Abalos dahil protektado sila ng mafia na pinamumunuan ng isang kalbo diyan sa City Hall, anang mga nakausap ko.
Pero itong plunder case na isinampa ni Serafin Neria ay magsisilbing malaking dagok sa mag-amang Abalos. Binalewala ng mga Abalos itong kaso sa katwirang may bahid ito ng pulitika subalit mukhang umaandar ito at sa katunayan binigyan na sila ng Ombudsman ng 10 araw mula noong Hulyo 10 para mag-submit ng kanilang counter-affidavit at mga testigo. Iginigiit ni Neria na kaya siya nagsampa ng kaso laban sa mag-ama ay dahil hindi niya masikmura ang blatant acts of corruption and the abuses perpetrated by the Abaloses.
Kung paano nagkaroon ng ari-arian ng nagkakahalagang P179 milyon ang mag-amang Abalos ang siyang ikinagulat ni Neria. Kasi nga kung pagsamasamahin ang panunungkulan ng mag-ama bilang mayor, officer-in-charge at konsehal ng siyudad, aabot lang sa mahigit P6 na milyon ang kanilang suweldo. Bahala na ang taumbayan maghusga rito sa magkabilang kampo. Ang sa akin lang ay maiparating sa kanila ang problema para sa 2004 elections ay handa na sila kung sino ang kanilang iboboto.